Sumingit sa pila? Alex minura ng fan, rumesbak

Nagsimula sa pagka-imbey (imbyerna) sa traffic hanggang sa naiwan ng eroplano patungo ng Japan si Alex Gonzaga kasama ang kanyang magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

sumingit sa pila alex minura ng fan rumesbak - Sumingit sa pila? Alex minura ng fan, rumesbak
alex 6 - Sumingit sa pila? Alex minura ng fan, rumesbak

Nagsimula sa pagka-imbey (imbyerna) sa traffic hanggang sa naiwan ng eroplano patungo ng Japan si Alex Gonzaga kasama ang kanyang magulang na sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy.

Kuwento ng vlogger/actress sa kanyang Twitter, bumili ito ng panibagong ticket dahil na-trap ito nang 4 1/2 oras sa daan. Hindi na kasi refundable at rebookable ang kanilang flight kaya walang choice kundi bumili ng panibagong ticket.

Mas lalo pang na-trigger ang mood ng aktres nang may netizen na nag-post sa social media tungkol sa encounter nito kay Alex.

Ayon sa netizen, hindi naging maayos ang karanasan nito with Alex dahil sinubukan umanong unahan siya ng aktres sa pila.

“Alex Gonzaga just tried to cut me at the immigration queue. What’s with the entitled Filipino celebrities lol!” giit ng netizen.

Ginatungan pa ito ng isa pang netizen na kaibigan umano ng nakainitan nito sa airport. “shutanginamesh talaga itong si alex gonzaga kagaspangan ng ugali mo nagumpisa ka na naman wala ka patawad pati friendship ko…kaloka amp*t*h!” sabi naman nito.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Alex, agad sinagot sa Twitter ang account na tumitira sa kanya. “Fyi: nagbukas ng new counter yung immigration, my mom and dad (senior citizens) were invited to form a new line, we thought she was with the elders in front of us coz sila na ang queue. Nagpaalam pa kami pumayag sila. Mommy ko ang nauna bigla nya sinabi sya daw dapat, we let her,” tugon ng aktres.

Hindi pa rin nagpatalo ang netizen, “buntis yung friend kong ni-cut nya sa line nakakahiya amp*t*h. Alam mo palang malayo ka e di sana gabi pa lang nag-impake ka sa airport p*t*cca.”

Hindi pa rin inurungan ni Alex ang netizen. Paglilinaw niya, “When we were lining up fyi may new tickets na kami. Delayed pa new flight namin 3PM so why would we be in a hurry? 11am kami dumating. You weren’t there kaya wag ka magsalita as if alam mo. Kasama ko senior citizens, di kami pa-entitled. Nung nagsabi ‘friend’ mo pinauna namin sya,” saad ni Alex.

Pagkatapos ng naging sagutan ni Alex sa naturang basher, patuloy pa rin ang patutsada ng aktres, hanggang sa maging good vibes na ito pagdating sa Japan para sa YouTube Creator Summit 2019.

Well, naging mainit man ang talakan ni Alex at ng naturang netizen, tinulungan din ang aktres ng kanyang mga masusugid na fan upang mapatigil ang basher sa pambabatikos sa kanilang idolo.

In fairness, mukhang naging successful nga sila dahil mula sa public account ay nag-switch na ito sa private. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *