Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — Maine

Nabulabog ang Pilipinas sa bumungad na kuwento sa social media, tungkol sa pulis at sa mag-ina na binaril niya sa Tarlac.

The post Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — Maine first appeared on Abante.

sumabog galit sa pulis barilin sa harap ng anak maine - Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — Maine
Maine Mendoza 5 - Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — Maine

FINAL columnists Palaban to no Dondon Sermino 2 300x180 - Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — MaineNabulabog ang Pilipinas sa bumungad na kuwento sa social media, tungkol sa pulis at sa mag-ina na binaril niya sa Tarlac.

Dinomina ng pangyayari ang social media, at magkakasunod na pa-trending ang namayani.

Heto nga ang mga pa-hashtag na may kinalaman sa karumal-dumal na pangyayari sa pagitan ng pulis at mag-ina.

#StopTheKillingsPH, #JusticeForSonyaGregorio, #EndPoliceBrutality, #PulisAngTerorista, #MyFatherIsAPoliceman, #DeathPenalty, #TriggerWarning, #JonelNuezca, #ToServeAndProtect, #MamamatayTao, #RotInHell, #Tarlac, #MgaDemonyo, #DiMonNue, #Satanas, #Criminal, #GMRC, #Paniqui, #DSWD, #TanginaNiyo.

Damay rin ang anak na babae na menor-de-edad ng naturang pulis. At galit na galit nga ang mga netizen sa kanya, dahil na rin sa nasaksihang video na kumalat sa social media.

Ang mga pa-hashtag na #MyFatherIsAPoliceman, #GMRC, #DSWD ay para nga sa naturang paslit. Hindi makapaniwala ang mga netizen sa ugali, asal na nasaksihan nila, ng naturang bagets.

Hindi rin napigilan ng mga artista ang mag-react, maglabas ng galit sa kanilang mga social media, dahil sa nasaksihan nila.

Sabi nga ni Maine Mendoza, “Bihira nalang mag-check ng Twitter, ‘yun pa talaga bubungad sa’yo. Ang sakit talaga sa puso… #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality.”

Na sinunan pa niya ng mga mensaheng…

“Di” dapat ‘yan, hindi Jon. Pota. #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality.”

At nakakaloka nga na pati ang mga mababait, matulungin sa kapwa, at nagbibigay ligaya sa mga fan, na tulad ni Maine, ay nakakapagsalita ng masama, o nagwi-wish ng masama, dahil sa mga ganyang senaryo.

“Bakit kailangang umabot doon? Hindi ko kaya, grabe. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS.”

Ganiyan katindi, kasama ang epekto sa lahat ng mga tao, ang nakakasukang ganap na `yan.

***

Hindi makatao – Janella Salvador

Hindi rin makapaniwala ang mga artista na makakapanood sila ng ganung video o patayan sa social media. Kinilabutan nga siya sa nasaksihan.

“How inhumane can you be to take actual human lives like that so confidently for your own selfish reasons— in front of your own child— like it’s normal? This is what it has come to in our country. Sick. My father is a policeman my ass. #StopTheKillingsPH,” sabi ni Janella Salvador.

“Our law enforcement does not make us feel safe. Our streets do not feel safe – this is not okay. #StopTheKillingsPH,” sabi naman ni Alexander Diaz.

“Nakakapanghina ang video ng pagpatay sa mag-inang Gregorio. Pero hindi pwedeng magpatalo tayo o masanay na lang. Kailangang maglakas-loob, maglabas ng galit at humingi ng katarungan. Sa tapang at panindigan natin mawawakasan natin ang kultura ng pananakot. #StopTheKillingsPH,” sabi naman ni Direk Perci Intalan.

The post Sumabog galit sa pulis: Barilin sa harap ng anak — Maine first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *