Sugod sa bagyo: Sarah muntik mabagsakan ng puno

Ang bongga lang, Dondon (my dear editor), kapag pala may bagyo, cancelled din ang online classes ng mga estudyante, huh!

The post Sugod sa bagyo: Sarah muntik mabagsakan ng puno first appeared on Abante.

sugod sa bagyo sarah muntik mabagsakan ng puno - Sugod sa bagyo: Sarah muntik mabagsakan ng puno
Sarah Lahbati - Sugod sa bagyo: Sarah muntik mabagsakan ng puno

Ang bongga lang, Dondon (my dear editor), kapag pala may bagyo, cancelled din ang online classes ng mga estudyante, huh!

Pero si Sarah Lahbati, hindi cancelled ang trabaho kahapon dahil indoor ‘yung shoot niya for a project na hindi pa puwedeng i-reveal.

Kuwento ni Sarah, “Medyo intense today dahil bagyo nga.

“On my way to work kanina, tumumba ‘yung puno. Buti na lang medyo malayo pa kami nang mangyari ‘yon.

“’Katakot, Kuya Jun,” sabi ni Sarah at ipinadala sa akin ang picture ng punong tumumba.

Wala naman daw online classes talaga ang panganay nila ni Richard Gutierrez, si Zion, dahil semestral break nito.

“Hanggang November 3 ang bakasyon nila. No online classes. Katatapos lang ng big test nila last week,” impormasyon pa ni Sarah.

Mahirap lang daw ang biyahe nila papunta sa location kahapon dahil sobrang maulan, pero ok naman daw siyang nakarating doon.

Anyway, noong Sunday naman, magkakasama sila sa White Plains house ng pamilya Gutierrez. Sunday family bonding nila ‘yon.

Wala nga lang si Richard dahil naka-lock-in pa ito sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa Batangas.

Sayang nga, Dondon, dahil ang tindi ng ulan noong Sunday kaya hindi na ako naka-join sa kanila, may pa-lechon pa naman si Annabelle Rama.

Tinakam-takam nga ako ni Bisaya sa lechon.

“Halika na, nandito na ang lechon,” sabi nito, pero katakot naman ang matinding ulan at baha pa, kaya hindi na ako nag-drive papunta sa kanila.

***

TV5 serye ni Ruffa atras kay Quinta

Ikinuwento naman ni Ruffa Gutierrez na cancelled ang first day taping kahapon ng “Stay-In Love” ng TV5. Actually, hindi nga natuloy ang lock-in niya sa hotel noong Sunday dahil naging Tuesday pa ang first taping day niya.

“Pero ‘yung ibang kailangan na sa taping doon, nag-lock-in na yesterday (Sunday). Pero kaninang 4:00am, nag-message ang executive producer namin na hindi nga tuloy ang taping ngayon.

“So baka maging Wednesday na ang first day taping ko.

“Depende sa weather, baka mag-lock-in ako today or tomorrow na lang,” sey ni Ruffa.

Isa si Maris Racal sa mga nag-lock-in na sa hotel noong Sunday, kaya tengga muna siya doon. Ang ka-partner ni Maris na si Kokoy de Santos, hindi pa nakakapag-lock-in dahil ayon sa isang taga-production na nakatsikahan ko, bukas pa o sa Thursday ito magla-lock-in sa hotel.

The post Sugod sa bagyo: Sarah muntik mabagsakan ng puno first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *