Sugatan pa rin ang puso: Elisse ayaw nang makasama si McCoy

Finally ay napansin na ang pang-world class beauty ni Elisse Joson, dahil heto nga at brand ambassador na siya ng international beauty product na Cathy Doll Ready 2 White na galing Thailand at may franchise na sa maraming bansa.

sugatan pa rin ang puso elisse ayaw nang makasama si mccoy - Sugatan pa rin ang puso: Elisse ayaw nang makasama si McCoy
elise - Sugatan pa rin ang puso: Elisse ayaw nang makasama si McCoy

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 336x224 - Sugatan pa rin ang puso: Elisse ayaw nang makasama si McCoyFinally ay napansin na ang pang-world class beauty ni Elisse Joson, dahil heto nga at brand ambassador na siya ng international beauty product na Cathy Doll Ready 2 White na galing Thailand at may franchise na sa maraming bansa.

Sa launching ni Elisse bilang endorser nito nu’ng Miyerkoles ng hapon sa Ayala Malls, Cloverleaf ay naggu-glow talaga ang kagandahan ng Kapamilya actress, na sabi nga ay nahahawig kina Jessy Mendiola, Bea Alonzo at sa Kapuso star Jennylyn Mercado, na pawang mga diyosa ng telebisyon.

Kahit sa close-up shot ng camera habang ginagawa ang TV ad ng Cathy Doll na kinunan pa sa Thailand, napaka-flawless ng balat niya.

Sabi nga, siguro kung makikita lang ng ex-boyfriend niyang si McCoy de Leon ang kagandahan ni Elisse ngayon, manghihinayang ito na nakipagkalas siya sa aktres.

Inamin mismo ni Elisse na si McCoy ang bumitaw sa kanilang relasyon.

Nagbiro pa si Elisse sa panayam ng mga fan na, “Siguro po baka nagsawa na siya sa kakaintindi,” kaya ito raw ang tumapos sa kanilang relasyon.

Lumalabas na malabong magkaayos pa rin ang dalawa dahil ayon kay Elisse, wala na silang komunikasyon ni McCoy.

Nagkita raw sila sa nakaraang ABS-CBN Ball, pero nagtanguan lang sila sa malayuan. Dahil sariwa pa sa mga puso at kamalayan nila ang gulo noon sa kanilang relasyon, hindi raw muna gusto ni Elisse na makatrabaho si McCoy.

Negosyanteng rapper malaki ang utang na loob kay Andrew E

Malaki ang utang na loob ng baguhang rapper/singer/businessman na si Khen Magat o King Marlon Magat kay Andrew E. Si Andrew ang dahilan kung bakit nakapagtapos ng pag-aaral sa kursong Custom Administrator si Khen.

Naging back-up rap artist ni Andrew E si Khen matapos itong manalo sa rap contest na ang una mismo ang organizer. Mula noon ay natustusan ni Khen ang kanyang pag-aaral hanggang sa makatapos, makapasok ng trabaho at maging isang businessman.

Kahit maraming negosyong naipundar si Khen, hindi nawala sa kanya ang passion sa rap, at makatulong sa ibang mga aspiring artist.

Isa raw ito sa mga natutunan at namana niya kay Andrew E., ang tumulong sa kapwa nila mga artist. Kaya naman bumuo siya ng sarili niyang record label, ang BWB Records at production na A Tune.

Inilunsad na ang kanyang self-titled album at nakapaloob dito ang latest single nila ng baguhang si Shane na pinamagatang “Wag Ako”, na available na sa Spotify.

Kumuha rin ng ibang mga artist si Khen tulad nina Alliyah at iba pang grupo ng mga rapper.

Cristine, Xian eeksena sa int’l film fest

Pumalo na sa international scene sina Cristine Reyes at Xian Lim dahil nakatakdang maging opening film ang kanilang project na “Untrue” sa QC International Film Festival ngayong October 13 na tatakbo hanggang Oct. 22 sa lahat ng mga sinehan sa Quezon City.

Ang naturang pelikula ay dinirehe ni Sigrid Bernardo at prodyus ng Viva Films. Malaki ang tsansang mapansin ang husay ng dalawang Viva artist lalo at dadaluhan ito ng mga filmmaker mula sa iba’t ibang panig ng mundo na meron ding entry sa festival.

Magkakaroon din ng chance na maimbitahan sa ibang mga film festival abroad ang tatlong local film na nabigyan ng P1.5M seed money para sa kanilang obra, mula sa opisina at pamunuan ni QC Mayor Joy Belmonte.

Mga pelikula sa Asia, Europe, Australia at America, at ilang Pinoy classic film ang bubuo sa festival.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *