Sue todo lantad ng alindog sa Bangkok

Tandem sa pang-aakit ang dating nina Sue Ramirez at Maris Racal sa social media, ha!

sue todo lantad ng alindog sa bangkok - Sue todo lantad ng alindog sa Bangkok
sue 5 - Sue todo lantad ng alindog sa Bangkok

Tandem sa pang-aakit ang dating nina Sue Ramirez at Maris Racal sa social media, ha!

Kalat nga sa Instagram ang mga sexy photo nilang dalawa na magkasamang nagbabakasyon sa Bangkok, Thailand.

Feeling summer nga ang dalawa sa Bangkok, ha!

Pero, parang pahinga o bakasyon o paghahanda nga ang saglit na bakasyon nila sa Thailand dahil alam nilang mapapasabak sila sa promo ng mga pelikula nila na sabay nga na ipalalabas sa Sept. 13 para sa Pista ng Pelikulang Pilipino.

Si Sue ang bida sa Cuddle Weather, kasama si RK Bagatsing. Si Maris naman sa Miss Ellenya L. kasama si Iñigo Pascual.

“Kilalanin sila sa September 13! Panoorin ang #ImEllenyaL at #CuddleWeather sa@pistangpelikulangpilipino #PistaNgPelikulangPilipino2019,” caption ni Sue.

Siyempre, todo react ang mga kaibigan nila sa kaseksihan nila.
“Grabe naman to parang di kumain ng madami nung isang gabi!” sabi ni Barbie Imperial kay Sue.

“Hoy! Nasan na mga saplot nyo! Pagpapaluin ko kayo eh!!!” say naman ni Ella Cruz.

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *