Sue ‘sinapak’ si Ronnie

Kilala bilang fearless at prangka na babae ang aktres na si Sue Ramirez, kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong makapanayam siya sa “TWBA”, pinatunayan niya ito sa kanyang mga lantarang sagot kay Boy Abunda.

sue sinapak si ronnie - Sue ‘sinapak’ si Ronnie
sue 6 - Sue ‘sinapak’ si Ronnie

Kilala bilang fearless at prangka na babae ang aktres na si Sue Ramirez, kaya naman nang magkaroon ng pagkakataong makapanayam siya sa “TWBA”, pinatunayan niya ito sa kanyang mga lantarang sagot kay Boy Abunda.

Marami ngang rebelasyon ang aktres tungkol sa kanyang sarili at isa na riyan ay ang sinabi niyang handa siyang ibenta ang katawan niya kung iyon na lamang ang last choice para magsalba ng buhay ng taong mahal niya.

Samantala, nang pag-usapan naman ang estado ng kanyang puso, emosyonal siyang sumagot at sinabing “Joao and I have parted ways”. Nilinaw naman ng aktres na naging maayos ang break-up nito sa ex boyfriend na si Joao Constancia (na miyembro ng Boyband PH) at patuloy pa rin ang kanilang maayos na pag-uusap. Sinabi rin ni Sue na hindi nito isinasara ang kanyang puso kung sakaling magkaroon ng chance na magkabalikan sila ni Joao.

Tungkol naman sa pelikulang pagbibidahan na “Cuddle Weather” kung saan kasama niya si RK Bagatsing, kinuwento ng aktres na marami silang pagkakapareha ng kanyang karakter na si Adela at mayroon din siyang pagkakaiba rito. Kaya naman naging fulfilling, aniya, ang kanyang pagganap sa karakter.

Sa huling bahagi naman ng interview, mayroong hinandang unan ang “TWBA” na may nakadikit na mukha ng mga lalaking maaaring may kinalaman sa kanya o wala. Ang instruction sa kanya ay pipili siya kung yayakapin ba niya ang unan o sasapakin.

Unang ipinakita sa kanya ang mukha ng rumored ex-BF na si Ronnie Alonte, nahirapan siya pero napagdesisyunang sapakin ang unan na may mukha nito sabay sabing “napa-away ako dahil diyan eh!”

Ang mga sumunod naman na litratong ipinakita ay niyakap na niya gaya nina Daniel Padilla, Joshua Garcia, Kim Soo Hyun (bida sa “My Love From the Star”) at ang huling ex na si Joao.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *