Sue Ramirez palaban sa landian kay RK Bagatsing

Guess what? Mukhang may bagong kakikiligan na naman ngayon ang mga netizen dahil may pagsasamahang pelikula ngayon sina RK Bagatsing at Sue Ramirez.

The post Sue Ramirez palaban sa landian kay RK Bagatsing appeared first on Abante News Online.

sue ramirez palaban sa landian kay rk bagatsing - Sue Ramirez palaban sa landian kay RK Bagatsing
ABANTE sue - Sue Ramirez palaban sa landian kay RK Bagatsing

Ni Athena Yap

Guess what? Mukhang may bagong kakikiligan na naman ngayon ang mga netizen dahil may pagsasamahang pelikula ngayon sina RK Bagatsing at Sue Ramirez.

Bago sa panlasa ng mga netizen kaya marami na ang exci-ted sa kalalabasan ng pagsasama nila.

Unang beses na magkaka-tambal sila pero kung titignan sa mga litrato at video ay tila matagal na nga silang magkaibigan.

Isa sa tatlong pelikula ang “Cuddle Weather” na pamagat ng movie nina Sue at RK ang pasok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 na gaganapin sa darating na Setyembre. Adela at Ram ang pangalan nilang dalawa sa pelikula ayon sa post ni Sue.

May mga nagsasabi na sa palagay raw nila ay ito ang next level ni Sue, iniisip na daring na makulit ang magiging karakter ni Sue, base sa mga ipinasisilip na litrato nila ni RK.

Kung tutuusin, hindi na siguro mahihirapan si Sue sa medyo daring na role dahil matatandaang nasubukan nitong magkaroon ng eksena kay Joseph Marco sa “Ipaglaban Mo” kung saan mag-asawa sila roon at pinagsamantalahan nga siya ng huli doon.

The post Sue Ramirez palaban sa landian kay RK Bagatsing appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *