Sue mahilig sa mga hubad na babae

Isang netizen ang nagbiro kay Sue Ramirez na tomboy ito, dahil sa pinosteng mga nude figurine display sa Instagram.

The post Sue mahilig sa mga hubad na babae first appeared on Abante.

sue mahilig sa mga hubad na babae - Sue mahilig sa mga hubad na babae
Sue Ramirez - Sue mahilig sa mga hubad na babae

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Sue mahilig sa mga hubad na babaeIsang netizen ang nagbiro kay Sue Ramirez na tomboy ito, dahil sa pinosteng mga nude figurine display sa Instagram.

@samanthamauree: “3rd hehe jk.”

Anyway, maraming beses na ring napagkamalan na tomboy si Sue. Sa photo nila ni Maris Racal noon ay napagkamalan siyang tibo.

Dedma lang si Sue sa mga nagsasabing tibo siya. Eh kasi, alam naman ng lahat na may dyowa si Sue, si Javi Benitez, anak ni Mr. Albee Benitez.

***

Alessandra feeling nanay kay Fiore

Parang si Alessandra de Rossi ang nagluwal sa pamangkin niya, ang baby nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma. Agad ngang pinoste ni Alex sa Instagram ang larawan ni Assunta at ng sanggol.

“This is the most beautiful photo for life! Little Fiore and tears of joy in my sister’s eyes. 20 years in the making! Miracles happen every day, and this one is the best! Congratulations @assuntaledesma @julesledesma and of course to the new granny na mas oa pa sa nanganak @ermatsko. THANK YOU LORD,” sabi ni Alessandra.

***

Derek ‘di nagbayad sa date kay Andrea

Pabulosa at mamahaling steak dinner date ang naganap sa magkasintahang Andrea Torres at Derek Ramsay kamakailan. Pero sa halip na bayaran ni Derek ng sariling pera ang steak dinner date nila ni Andrea, gems o accumulated points sa isang social media account ang ipinambayad nila. Malaki ang natipid ni Derek sa steak dinner date nila.

Siyempre, sobrang happy si Andrea sa date nila ng dyowa niya.

***

Gamit ang BMW: Dingdong rumaket na delivery boy

Habang wala pa ulit trabaho, rumaraket si Dingdong Dantes bilang delivery boy sa itinatag niyang delivery service. Pero para lang yata ‘yon sa mga special client o mga kaibigan.

Gaya ni Kim Atienza na si Dong mismo ang nag-deliver ng order nito.

Pinoste ni Kim ang larawan ni Dong sakay ng motor na may storage box sa likod. Naka-face mask, helmet si Dong sa photo. Kaloka lang na BMW ang gamit na motor ni Dong sa pag-deliver ng order ni Kim.

Anyway, marami ang umasam na sana kapag nag-order sila ay si Dong din ang mag-deliver sa kanila.

The post Sue mahilig sa mga hubad na babae first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *