Sue, Javi Benitez bongga ang tukaan

Sa halip na pamilya o career ang ipangalandakan sa Instagram, ang inaasahang katatagan ng kanilang relasyon ngayong 2021 ang napili nilang i-post.

The post Sue, Javi Benitez bongga ang tukaan first appeared on Abante.

sue javi benitez bongga ang tukaan - Sue, Javi Benitez bongga ang tukaan
sue 1 - Sue, Javi Benitez bongga ang tukaan

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 2 300x180 - Sue, Javi Benitez bongga ang tukaanSa halip na pamilya o career ang ipangalandakan sa Instagram, ang inaasahang katatagan ng kanilang relasyon ngayong 2021 ang napili nilang i-post.

Si Neil Arce ay siniguradong magiging kanya nang buung-buo ang fiancée’ na si Angel Locsin.

Si Edgar Allan Guzman naman ay nangakong mamahalin pa nang husto ang girlfriend na si Shaira Diaz.

Tiniyak naman ni Sue Ramirez sa ‘tukaan’ post niya ng larawan nila ni Javi Benitez sa Instagram ang lalo pang pagtibay ng kanilang romansya.

Ang bongga nga na nag-lip locked ang dalawa sa pagsalubong ng New Year.

Pokwang nakulong sa kusina

Hanggang sa pagsalubong ng 2021, napako nang husto si Pokwang sa loob ng kusina. Sa pinoste niyang larawan sa IG na nagluluto, sinabi niyang tradisyon na sa kanilang pamilya ang manatili sa bahay at siya ang magluluto.

Ingat na ingat si Pokwang sa usapin ng mga artistang piniling layasan ang bahay at pamilya para sa beach mag-celebrate ng New Year. Aniya, deserve naman daw ito ng iba.

Sa buong 2020 ay naging preso sa kanyang bahay si Pokwang dahil sa takot sa COVID-19. Lumalabas lang ito para sa kanyang dalawang show sa TV5.

K Brosas minura mga basher

Rumesbak ng talak si K Brosas sa mga basher nang iposte niya ang yayayamanin niyang New Year vacation sa Boracay. Magkasunod ang posting ni K ng mga larawan na kuha sa isa sa pinaka-expensive resort hotel sa Boracay.

Binatikos si K ng mga basher niya at tila inakusahan itong insensitive sa pang-iinggit sa mga naghihirap at naghihikahos sa panahong ito ng krisis.

Nagmura si K sa kanyang resbak sa Twitter para sa kumukuwesyon ng kanyang pagri-relax.

“May nag comment, bakit daw ako nagbabakasyon sa gitna ng mga nangyayari…uhm pera nyo ba ginamit ko?? May batas ba ako na sinuway? May inapakan o ginago ba ko? Pinagpaguran at pinaghirapan ko ‘to, hindi ko ninakaw, don kayo sa PhilHeath magalit ng sagad shutanhinamez!” sabi ni K.

Panganiban walang panty sa dagat

Dahil sa kakaibang posing at anggulo ng larawan, napagkamalang walang panty si Angelica Panganiban. Sa Instagram post niya na nakasakay siya speedboat na patalikod ang kuha, para ngang walang suot na panty si Angelica.

Dagdag pang natakpan ng suot nyang sando ang beywang kaya hindi maaninag ang panty niya.

Kaya hayun at naloka talaga ang mga follower niyang sina @ellamei3,

@impams, dahil tingin nila ay wala talagang panty si Angelica.

The post Sue, Javi Benitez bongga ang tukaan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *