Streisand inilantad ang nakaraan kay Prince Charles

Naintriga ang huge crowd ni Barbra Streisand na um-attend ng kanyang concert sa Hyde Park in London nang malaman nila na minsan siyang na-link romantically sa future king of England na si Prince Charles.

The post Streisand inilantad ang nakaraan kay Prince Charles appeared first on Abante News Online.

streisand inilantad ang nakaraan kay prince charles - Streisand inilantad ang nakaraan kay Prince Charles
Abante streisand - Streisand inilantad ang nakaraan kay Prince Charles

Naintriga ang huge crowd ni Barbra Streisand na um-attend ng kanyang concert sa Hyde Park in London nang malaman nila na minsan siyang na-link romantically sa future king of England na si Prince Charles.

Nakipagbiruan pa ang 77-year old diva sa kanyang audienc­e at sinabi niya na: “If I had played my cards right, I could have been the first Jewish princess!”

Pinakita pa sa concert ni Barbra ang ilang photos kunsaan nakasama niya si Prince Charles.

Sa isang newspaper headline naman na may headline na “Barbra charms her prince, Charles”, sinabi diumano ni Prince Charles na ang poster daw ni Barbra ang tangi niyang pinup sa kanyang room.

Unang nakilala ni Barbra si Prince Charles noong 1974 sa set ng pelikula niyang Funny Lady. Mag-meet sila ulit 20 years after noong naimbitahan si Barbra na kumanta sa Wembley Stadium para sa Prince’s Trust Chari­ty.

Sa biography book ni Barbra na “Barbra: The Way She Is” noong 2006, nag-attempt daw si Prince Charles na ligawan ang singer noong November 1994 pagkatapos itong makipaghiwalay kay Princess Diana pero nakikipag-date na raw ito kay Camile Parker-Bowles. (Ruel Mendoza)

The post Streisand inilantad ang nakaraan kay Prince Charles appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *