‘Star ng Pasko’ alay ng Dos kay Bro. Eddie

Damang-dama na ang Christmas spirit dahil dumadami ang singers na naglalabas ng Christmas songs ngayong taon. Ang latest ay ang bagong version ng iconic ABS-CBN Christmas Song na “Star ng Pasko” na aawitin ng love team nina Vivoree Esclito at Patrick Quiroz.

The post ‘Star ng Pasko’ alay ng Dos kay Bro. Eddie first appeared on Abante.

star ng pasko alay ng dos kay bro eddie - ‘Star ng Pasko’ alay ng Dos kay Bro. Eddie
Bro. Eddie Villanueva - ‘Star ng Pasko’ alay ng Dos kay Bro. Eddie

Damang-dama na ang Christmas spirit dahil dumadami ang singers na naglalabas ng Christmas songs ngayong taon. Ang latest ay ang bagong version ng iconic ABS-CBN Christmas Song na “Star ng Pasko” na aawitin ng love team nina Vivoree Esclito at Patrick Quiroz.

Dahil acoustic nga ito, mas tahimik at malambot ang bersyon nila at base sa teaser na aming narinig, bagay na bagay pala ang boses ng dalawa.

Unang tumagos sa ating mga puso noong 2009 ang naturang Christmas Station ID theme song. Kung pagbabasehan ang lyrics nito, akmang- akma ito ngayon sa pinagdadaanan ng Kapamilya network.

Kung kailan nga naging pinakamadilim ang mga hamon ng ABS-CBN, nagsilbing liwanag ang saya at excitement na idinulot ng kasunduan nito sa Zoe Broadcasting Network na siyang umampon sa Kapamilya shows na ipapalabas na sa bagong A2Z channel 11.

Magandang i-dedicate ang kanta kay Bro. Eddie Villanueva, ang may-ari ng Zoe, dahil napakagandang regalo sa mga Pilipino ang ginawa nila para sa ABS-CBN.

Kaya si Bro. Eddie talaga ang star ng Pasko ng maraming Kapamilya fans na inabangan ang pagbabalik ng ABS-CBN sa free TV. Talaga namang magkakakulay ang Pasko natin dahil sa liwanag na dala ni Bro. Eddie. (Dondon Sermino)

The post ‘Star ng Pasko’ alay ng Dos kay Bro. Eddie first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *