Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason Abalos

Napakaganda at kaakit-akit si Sophie Albert nang dumalo siya sa presscon ng afternoon serye na “Bihag” na mapapanood na si­mula Lunes ng hapon sa GMA. Bale ito ang papalit sa “My Special Tatay” ni Ken Chan na magtatapos sa linggong ito.

The post Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason Abalos appeared first on Abante News Online.

sophie albert palaban sa bj scene kay jason abalos - Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason Abalos
sophie 1 - Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason Abalos

abante talbog joe barrameda 336x224 - Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason AbalosNapakaganda at kaakit-akit si Sophie Albert nang dumalo siya sa presscon ng afternoon serye na “Bihag” na mapapanood na si­mula Lunes ng hapon sa GMA. Bale ito ang papalit sa “My Special Tatay” ni Ken Chan na magtatapos sa linggong ito.

Mula sa TV-5 ay sa GMA lumipat si Sophie. Dun sila nagka­mabutihan ng kanyang current boyfriend na si Vince Abrenica.

Ayon kay Sophie ay going strong ang relasyon nila ni Vince at tanggap daw ito ng pamil­ya niya. Madalas ipinagluluto raw ng mother niya si Vince at tanggap din daw si Sophie ng pamilya Abrenica.

Isang kontrabida ang role ni Sophie sa “Bihag” na pinagbibidahan ni Max Collins. Maganda ang trailer nito at sampalan to the max agad ang mga eksena. At bongga rin ang kalandian ni Sophie, lalo na sa eksena na parang bini-BJ niya si Jason Abalos, ha! Palaban na babae, ha!

Lambingan nina Kyline, Jeric wagi ulit sa rating

Sa ikaapat at huling episode ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” na pinagbidahan nina Kyline Alcantara at Jeric Gonzales ay muling nanalo sa ratings at lalo pang umakyat ang puntos nito. Gaya ng mga nakaraang linggo ay hindi mapigilan ang pag-iingay at trending sa Twitter ng KyRic fans at hindi nila pinabayaan ang mga idolo nila.

Wish nila na masundan ang tambalan ng dalawa. Alam ko may niluluto na namang bagong show na pagsasamahan ng dalawa.

Maski sa “Sunday Pinasaya” noong Linggo ay pinagtambal sila at ‘di magkamayaw ang napakaingay na audience sa mga sandaling yun. Kaya umusok na naman ang Twitter dahil sa followers nila.

Mapapanood muli ang dalawa sa Studio7 ngayong April. Kaya abangan ninyo ‘yan.

Bianca tikom ang bibig sa relasyon kay Ruru

Hindi na iniintindi ni Bianca Umali ang mga chika na nag-uugnay sa kanila ni Ruru Madrid. Ke totoo man o hindi ay mas focused siya sa tambalan nila ni Miguel Tanfelix sa “Sahaya” na pinagbibidahan niya.

Sa tagal nilang magkasama ni Miguel si­mula nu’ng mga bata pa sila ay gamay na nila sa isa’t isa at alam na nila ang gagawin sa bawat eksena nila.

Maganda ang mga eksena sa “Sahaya” na ipinapakita ang kultura ng mga Badjaw. Nag-research talaga ang creative group para magmukhang makatotohanan ang mga scenes ng teleserye.

The post Sophie Albert palaban sa ‘BJ’ scene kay Jason Abalos appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *