SONA ni Ria matapang, palaban

Tuluy-tuloy ang pamumuna ng ilang mga star sa liderato ni President Duterte, na para sa kanila ay kulang daw sa malasakit.

sona ni ria matapang palaban - SONA ni Ria matapang, palaban
abante ria - SONA ni Ria matapang, palaban

Tuluy-tuloy ang pamumuna ng ilang mga star sa liderato ni President Duterte, na para sa kanila ay kulang daw sa malasakit.

Isang mahabang IG post nga ang makikita sa wall ni Ria Atayde.

“Sa lahat ng nangyayari, nagiging mas mahirap kumapit sa pag-asa. Sa lumipas na apat na taon, ang dami nating pinagdaanang opresyon sa ating bansa – mula sa pagpatay sa mga mamamayan hanggang sa kawalan ng kakayahang humarap sa krisis at pandemya.

“Ang dami nating hinayaan at pinalipas…pero umaasa akong matatapos na ang panahon ng ating pananahimik at hindi pag-imik. Hindi tayo pwedeng maging pipi at bingi sa mga abuso sa ating bayan at mga kababayan. Tayo ay, bago ang lahat, mga Pilipino. Karapatan at tungkulin natinang panagutin ang mga pinunong ating hinalal. Hindi natin puwedeng hayaang unahin nila ang kanilang pag-unlad habang ang ating kapwa Pilipino ay nagdurusa.

“Lumaban ka sa kahit na anong paraang komportable para sa’yo. Pero pakiusap, manatiling mapagmatyag at wag magbulag-bulagan. Alam kong marami sa atin ay mas maginhawa ang kalagayan kumpara sa iba, pero tayo ay iisang bansa. Ang kinabukasan natin ay kinabukasan nila. Kung ang Pilipinas ay lulubog, kasama tayong lahat na malulunod. (Pero hindi silang mga VIP- uubusin na nga lahat ng lifevests, magpapa-special rescue pa. Na buwis natin ang ipambabayad) #ItoAngSONAko #SONAnggaling.” (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *