Solenn super display ng alindog sa Indonesia

Umalis kahapon pa-US ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

The post Solenn super display ng alindog sa Indonesia appeared first on Abante News Online.

solenn super display ng alindog sa indonesia - Solenn super display ng alindog sa Indonesia
Solenn Heussaff - Solenn super display ng alindog sa Indonesia

abante anything goes jun lalin 336x224 - Solenn super display ng alindog sa IndonesiaUmalis kahapon pa-US ang mag-asawang Solenn Heussaff at Nico Bolzico.

Bale work daw ang punta nila roon dahil may basketball event ang Cignal Cable, pero nagpa-extend na raw sila dahil pupunta sila ng Los Angeles at San Francisco, California.

“Magha-hiking kami,” sabi ni Solenn.

Wala naman daw problema sa taping ng “Love You Two” ng GMA-7 kung saan kasama siya nina Jennylyn Mercado, Shaira Diaz at Gabby Concepcion dahil Holy Week break naman sila at noon pa raw niya napagpaalam ang pag-alis na ‘yon.

Usually raw, sa mga exotic na lugar nila gustong magpunta, pero since may basketball event nga sila sa US, nag-decide sila ni Nico na mag-hiking na lang.

Dahil Holy Week na, tinanong ko rin si Solenn kung aware siya sa mga nakasanayan dito na penitensya, pabasa at iba’t ibang tradition pa kapag ganitong panahon.

“Yes, I’m aware. Ang Dad ko, nagkaroon ng book about the Philippines at nag-picture siya ng mga ganoon, so alam ko ‘yon. Napaka-powerful ng message ng mga ganoong ginagawa ng Catholics,” sabi ng aktres.

So, summer ready na ba siya?

“All year-round naman, summer ready kami ni Nico. We always keep a fit lifestyle at home, kaya walang maiiba kung summer o hindi summer,” sabi niya at pinansin ko nga ang sobra niyang kaseksihan.

Palagi nga siyang nagda-diet, nagdyi-gym at tumatakbo.

“Kailangan kasi, tumatanda na ako. I’m 34 na this year (birthday na niya sa July 20). So halos everyday, tumatakbo ako ng five to 10 kilometers. ‘Tapos boxing, three times a week, then yoga paminsan-minsan.

“I’m so excited with our new series. Pero ‘yung pag-e-exercise, hinahanapan ko talaga ng oras. Kahit 20 minutes a day lang!”

Kagagaling lang niya sa Bali, Indonesia, pero hindi raw siya nakapag-beach dahil araw-araw ay may challenge silang ginawa for a benefit event.

“Pero nakapag-swimming pool naman ako. Masaya. Nag-tanning-tanning ako,” sabi niya na idinugtong na nakapag-bikini naman siya roon.

So, nai-display pala niya ang beautiful body niya sa Bali?

“Yes, I did, kahit hindi na siya as same as before. Hahaha!” natatawang sabi pa ni Solenn.

Claudine balik akting sa ‘MMK’

Excited na ang mga fan ni Claudine Barretto para sa “Maalaala Mo Kaya” episode niya na sinasabing ipapalabas sa April 27. Excited din sila sa Piolo Pascual project ni Claudine.

Ang dalangin ng loyal fans ni Claudine, magtuloy-tuloy na talaga ang pagpapaka-active niya sa showbiz.

Mukhang magandang influence raw kay Claudine ang pagiging close ulit nila ng ate niyang si Gretchen. Ang hiling nga ng ibang mga fan, sana ay magkaroon daw ng project together sina Claudine at Gretchen!

The post Solenn super display ng alindog sa Indonesia appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *