Solenn, Nico nagtalo sa pagpapagupit

Solenn, Nico nagtalo sa pagpapagupit

Naglilihi pa ba si Solenn Heussaff? Ang feeling ng mga fan, pinaglilihian pa rin ni Solenn ang mister niyang si Nico Bolzico hanggang ngayon.

solenn nico nagtalo sa pagpapagupit - Solenn, Nico nagtalo sa pagpapagupit
solen - Solenn, Nico nagtalo sa pagpapagupit

Naglilihi pa ba si Solenn Heussaff? Ang feeling ng mga fan, pinaglilihian pa rin ni Solenn ang mister niyang si Nico Bolzico hanggang ngayon.

Kasi naman, gustong-gusto ni Solenn na pagupitan ang buhok ng kanyang mister.

Long curly hair kasi talaga ang buhok ni Nico pero trip ni Solenn na magpagupit na nga ito.

Pero parang ayaw ni Nico magpagupit at nagkaroon pa ng medyo mahabang deliberasyon pa sa kanyang asawa. Kesyo mayroon siyang kondisyon bago tuluyan ang pagpapagupit, pero sa bandang huli naman pala ay susundin niya ang kahilingan ng kanyang asawa.

“Disclaimer: #wifezilla wants me to cut my hair, I am cutting my hair, forget everything written above!” makulit na hirit ni Nico.

Marami ang kinilig sa naging post ni Nico at na-cute-an sa kanya. Well never naman talaga nag-fail si Nico na pasayahin ang mga fan nila ni Solenn.

So ngayon, super abang na ang mga fan kung ano kaya ang kalalabasan ng bagong hairstyle ni Nico lalo’t mas sanay silang makita ito sa long curly hair. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *