Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwala

Naglabas agad ng disclaimer sa social media post niya si Nico Bolzico, matapos niyang sabihing nagwala sa galit ang misis niyang si Solenn Heussaff nang isuot daw niya minsan ang panty nito.

The post Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwala appeared first on Abante News Online.

solenn inagawan ng panty ni nico nagwala - Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwala
Nico Bolzico - Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwala

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwalaNaglabas agad ng disclaimer sa social media post niya si Nico Bolzico, matapos niyang sabihing nagwala sa galit ang misis niyang si Solenn Heussaff nang isuot daw niya minsan ang panty nito.

Naka-post sa Instagram ni Nico na nag-aagawan sila ng panty ni Solenn, at nasa mukha ng huli ang galit dahil dito.

Sa caption, sinulat ni Nico ang himutok niya na ginagamit halos ni Solenn lahat ng personal niyang gamit, gaya ng t-shirts at boxer shorts.

Pero nang minsang siya naman ang magsuot ng panty nito, nagwala na at naging malaking isyu na ang tungkol dito. Sa sumunod na panulat ni Nico, tinalakay na nito ang tungkol sa pang-aabuso sa mga babae sa iba’t ibang paraan at lugar.

Sinabi rin nito ang hirap ng mga ito sa pagbubuntis na hindi kayang gawin ng mga lalaki, kahit na nga isinilang ang mga itong malalakas at matatapang.

Dapat daw talaga ay igalang, mahalin, intindihin at suportahan lalo na ng mga mister ang kanilang mga asawa.

Sa huli ng kanyang mensahe, nilinaw nitong hindi buntis si Solenn at never niyang isinuot ang panty nito. Ginawa lang niyang sentro ng usaping “respect for women” ang argumento na ito.

Dahil sa pagta­lakay ni Nico sa isyu ng kababaihan at ang panawagan nitong bigyang-halaga ang mga ito, pinuri ang Argentinian businessman-social media influencer sa sinulat nito.

The post Solenn inagawan ng panty ni Nico, nagwala appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *