Solenn ginamit sa obra ang kilabot na preso

Ang galing talaga ni Solenn Heussaff. Pati ba naman ang mga inmate at mga member ng mga gang sa bilibid ay ginawang subject at art form ni Solenn.

solenn ginamit sa obra ang kilabot na preso - Solenn ginamit sa obra ang kilabot na preso
solenn 7 - Solenn ginamit sa obra ang kilabot na preso

Ang galing talaga ni Solenn Heussaff. Pati ba naman ang mga inmate at mga member ng mga gang sa bilibid ay ginawang subject at art form ni Solenn.

Makikita sa Instagram ni Solenn ang pinakabagong obra/painting niya na isang lalaki na puno ng ng tattoo sa katawan. Mababasa sa comment ng mga fan na kabisado niya ang detalye ng painting ng aktres, na ito ay isang convicted, at matagal na nakulong sa bilibid at member ng ‘sputnik gang’ dahil sa pagkakapuwesto ng tattoo nito sa katawan.

Alam din nito ang tagal na inilagi ng subject sa painting mula sa mga initial ng ibang mga inmate na nakasama nito sa kulungan.

Kahanga-hanga ang painting ni Solenn, lalo at kinumpirma niyang tama ang deskripsyon ng follower sa pagkakakilanlan sa subject ng kanyang painting.

Kung paano ito nabuo ni Solenn ay ‘yun ang hindi niya ipinaliwanag. Kung dumayo ba sa kulungan ang aktres na siyang ginawa niyang basehan sa pagpinta o kinunan lang niya ng larawan ang kanyang subject. (Rey Pumaloy)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *