Sofia Andres ‘Pambansang Ex’

Nagrereklamo na si Sofia Andres na lagi na lang daw ex-dyowa ang role na ibinibigay sa kanya.

The post Sofia Andres ‘Pambansang Ex’ appeared first on Abante News Online.

sofia andres pambansang ex - Sofia Andres ‘Pambansang Ex’
ABANTE sofia - Sofia Andres ‘Pambansang Ex’

Epal Kasi:

Nagrereklamo na si Sofia Andres na lagi na lang daw ex-dyowa ang role na ibinibigay sa kanya.

“Ako na ata ang ‘Pambansang Ex’,” ang tweet ni Sofia.

Na nakakatuwa, dahil kung ano-ano nga ang reaksyon ng mga ne-tizen.

Nandiyan ‘yung sabihin na sobrang ganda kasi niya, kaya walang lalaki sa showbiz na maipareha sa kanya.

“Okey lang yan maganda ka naman, eh,” sabi ni @zupsandy kay Sophia.

“Wag kang mag-alala ma-dami tayo,” hirit naman ni @maybitanga.

“Lagi na lang ako yung epal na ex,” hirit ulit ni Sofia.

Damay rin si Maris Racal na karamihan naman daw na role na nakukuha ay beshie ng ex.

Anyway, nabigyan na nga ng lead role si Sofia sa pelikula ng Regal Entertainment. At karamihan nga ng role na napupunta sa kanya sa pelikula ay magaganda.

Pero, ano nga ba ang kulang kay Sofia? Na kahit ang ganda-ganda ng mukha niya at may ibubuga naman sa aktingan, tila hindi pa rin niya maabot ang level nina Kathryn Bernardo, Nadine Lustre, at Liza Soberano? (Dondon Sermino)

The post Sofia Andres ‘Pambansang Ex’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *