Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa Cagayan

Naantig ang puso nina KC Concepcion, Ruffa Gutierrez sa nasaksihan nila sa Cagayan Valley. Nagpunta nga sila roon para magbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

The post Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa Cagayan first appeared on Abante.

social distancing di nasunod kc ruffa pinagkaguluhan sa cagayan - Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa Cagayan
tulong ni kc - Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa Cagayan

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa CagayanNaantig ang puso nina KC Concepcion, Ruffa Gutierrez sa nasaksihan nila sa Cagayan Valley. Nagpunta nga sila roon para magbigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyong Ulysses.

Sa Instagram story ni KC ay makikita ang mukha ng mga bata sa labas ng kanyang sasakyan na tuwang-tuwa na makita siya. Parang walang pinagdadaanang hirap ng buhay ang mga ito sa kasiyahan.

Kasama rin nila sa relief operation ang mga anak ni Ruffa na sina Venice at Lorin. Mapapanood sa video ang personal na pamamahagi ng relief goods ng dalawang bata sa mga nasalanta na pawisan ng mga sandaling ‘yun.

Sa totoo lang, posibleng malagay sa peligro ang dalawa, o kahit sina Ruffa at KC, at pati na rin ang mga taga-Cagayan dahil hindi nasunod ang social distancing.

Bagamat naka-face mask sila, pero masyado ngang dikit-dikit ang lahat. Hindi napigilan ang mga tao na lumapit sa kanila para magpa-picture.

Pero, kitang-kita rin na mas nag-focus sina Ruffa, Lorin, Venice, at KC sa pamimigay ng relief goods.

Pero sana sa susunod, maisip pa rin ng mga tao na nandiyan pa rin ang coronavirus, ha!

Daniel namigay ng tulong

Hindi nagpahuli si Daniel Padilla at ang pamilya niya na maghanda para mamahagi ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses. Pinoste ni Daniel sa Instagram ang larawan habang nagmamando siya sa kanyang team sa nagbabalot ng mga relief goods.

Sa IG naman ni Karla ay makikita ang larawan ng anak at ang intensyong magbigay ng tulong. Sabi ni Karla, magkatuwang sila ni Daniel, at mga fan nila sa donation drive na ito.

Sa next post ni Karla ay makikitang naipamahagi na nila ang relief goods.

Reyna ng kagubatan: Ina inagawan ng titulo si Aubrey

Mistulang gubat na ang loob ng bahay ni Ina Raymundo sa dami ng mga halamang nagkalat dito. Sa video post na ipinakita ni Ina sa Instagram, mula sa sala hanggang sa paakyat ng hagdan ay iba’t ibang halaman ang makikita sa loob ng bahay.

Parang may garden na nga sa loob ng bahay ang aktres sa dami ng mga halaman na may maliliit, at meron ding super laki.

Sa showbiz si Aubrey Miles ang kilalang naga-alaga ng mga halaman sa loob ng kanyang bahay. Pero sa dami ng halaman ni Ina ngayon, parang inagawan na nito ng titulo si Aubrey bilang ‘reyna ng kagubatan’.

The post Social distancing ‘di nasunod: KC, Ruffa pinagkaguluhan sa Cagayan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *