Sobrang pogi oh: Ziggy Dantes humamig ng papuri

Emotional, pero feel na feel mo ang kaligayahan ni Marian Rivera sa Pasko ng Pagkabuhay Instagram post niya. At sino ba naman ang hindi magiging emotional, o sob­rang saya, kung nakuha mo na ang lahat ng gusto mong makuha sa buhay.

The post Sobrang pogi oh: Ziggy Dantes humamig ng papuri appeared first on Abante News Online.

sobrang pogi oh ziggy dantes humamig ng papuri - Sobrang pogi oh: Ziggy Dantes humamig ng papuri
baby dantes - Sobrang pogi oh: Ziggy Dantes humamig ng papuri

Emotional, pero feel na feel mo ang kaligayahan ni Marian Rivera sa Pasko ng Pagkabuhay Instagram post niya. At sino ba naman ang hindi magiging emotional, o sob­rang saya, kung nakuha mo na ang lahat ng gusto mong makuha sa buhay.

Sabi nga ni Marian…

“Noon, nangarap ka­ming magkaroon ng sup­ling at binigyan Niya kami ng isa. Makalipas ang tatlong taon, humingi kami at ibinigay Niya.

“Ang magkaroon ng isa pang lalaking anak ay sagot sa aming mga dasal, kaya’t nag-uumapaw ang aking puso sa biyayang ito. Akala ko hindi ko kakayanin, ngunit, nakaraos ako dahil sa suporta ng mga nagmamahal sa pamilya namin, lalung-lalo na dahil sa mga dasal niyong lahat. Maraming salamat.

“Ngayong nabuhay na ulit si Hesus, muling ipinapaalala ng araw na ito na lahat tayo ay biyaya ng Diyos sa isa’t-isa.  Happy Easter.

“Ito na marahil ang pinakamasayang Pasko Ng Pagkabuhay ng aking buong pakikipagsapalaran sa mundong ito, dahil sila— si Dong, si Letizia at si Sixto— sila ang aking buhay. (Photo taken when he was 2 days old) #JoseSixto #Six #Ziggy.”

Dagsa ang komento, papuri sa Instagram post na ‘yon ni Marian. At yes, umabot na sa halos kalahating milyon ang likes ng first photo na ‘yon ni Ziggy, ha!
Well, ngayon pa lang, inaasahan na nga agad ang dagsa na alok na commercial para sa baby nina Marian at Dingdong. Pero, tulad ni Zia, may tamang oras para roon.

The post Sobrang pogi oh: Ziggy Dantes humamig ng papuri appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *