Snooky sumuko sa kababuyan sa FB

Noong Friday night lang ay nanghihingi ng dasal para sa anak niyang si Sachi Go si Snooky Serna sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, pero kahapon, nag-announce naman at sinabi niyang she’s taking a break from social media lalo na nga sa FB.

snooky sumuko sa kababuyan sa fb - Snooky sumuko sa kababuyan sa FB
snooky 2 - Snooky sumuko sa kababuyan sa FB

Jun Lalin Anything Goes 336x224 - Snooky sumuko sa kababuyan sa FBNoong Friday night lang ay nanghihingi ng dasal para sa anak niyang si Sachi Go si Snooky Serna sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, pero kahapon, nag-announce naman at sinabi niyang she’s taking a break from social media lalo na nga sa FB.
Post ng aktres, “I am taking a break from Social Media, in particular FACEBOOK.

This page will no longer be active. The reason for this decision are the
inappropriate messages I am being sent and/or tagged via D.M. (direct message) that includes lewd comments and content.

“I will be forced to Notify Facebook about this matter…

“I know that this is just from a few people who are outnumbered by the many wonderful and BELOVED friends who have been supportive of me. But this is the only course of action.”

Sayang naman kasi isa pa naman si Snooky sa mga artistang very accommodating sa mga fan. Madalas ko ngang biruin na “Facebook Live Queen” siya dahil ang dalas niyang magkaroon ng live session sa FB para makapag- interact sa kanyang followers.

Well, I can feel Snooky naman. May ibang mga nagkukunwaring fan, pero
maloloka ka na lang sa mga komento nila.

May iba na very insensitive sa mga komento nila, kaya hindi nakakapagtakang may mga celebrity like Snooky na “sumusuko” na sa kanilang social media accounts!
Well…

Mariel de Leon enjoy sa patayan, takutan

Mahilig sa horror movies ang beauty queen/actress na si Mariel de Leon, kaya naman na-happy siya nang mag-resume na ang shooting ng pelikula nila ni Nathalie Hart, ang ‘Barbara Reimagined’, na remake ng ‘Patayin Sa Sindak Si Barbara’ (na unang pinagbidahan ni Susan Roces at idinerehe ng yumaong direktor na si Celso Ad Castillo).

Kinamatayan ni Direk Chris Ad Castillo ang nasabing proyekto at itinuloy na ito ni Benedict Migue at last two shooting days na lang sila (katatapos lang ng three shooting days nila sa Zambales after nila mag-resume).

Kapag ikinukuwento ni Mariel ang shooting ng ‘Barbara Reimagined’, sobrang excited siya dahil kahit gabi’t mag-isa ay hilig nga niya ang panonood ng horror movies at hindi siya natatakot at enjoy siya!

Ikinukuwento nga ng dalaga nina Christopher de Leon at Sandy Andolong na madalas siyang mapuyat dahil sa panonood ng horror movies.
Hindi rin katulad ng iba si Mariel na kapag nanonood ng horror movies ay hindi na makatulog.

For sure, once na magkaroon ng red carpet premiere ang ‘Barbara Reimagined’ ay uuwi kaagad ng bansa si Mariel para mapanood ang kanilang horror movie.

Aalis na kasi pa-New York City si Mariel sa kontrata niya roon sa isang top
modeling agency.

Dual citizen naman si Mariel (Filipino and American), kaya walang problema sa kanya ang mag-stay sa Amerika.

Janine super rampa sa NYC

Speaking of New York City, nandoon ngayon si Janine Gutierrez dahil sa fashion week. Hindi naman daw magtatagal si Janine sa NYC dahil one week lang siya roon.

Babalik daw kaagad si Janine dahil marami ring trabahong kailangang gawin dito. May isa akong tinanong kung sino ang kasama ni Janine roon at baka kasi sinamahan siya ni Rayver Cruz, pero mag-isa lang daw ang dalaga dahil ipinadala siya roon ng isang hair product brand na ine-endorse niya.

Marami nga ang pumuri sa ganda ni Janine na super rampa sa New York.
dasallasenato; “For all the crossing line concept i have seen from too many your the only one perfectly nailed it, you perform it soo classy and not too overrated, from the steps, clothing, and the emotion of your face, this is so perfect.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *