Snooky nakakaloka kausap

How time flies talaga, Dondon (my dear editor). Aba, parang kailan lang nang mag-umpisa ako sa showbiz, pero ngayon, papunta na ako sa 34th year ko and I can proudly say na enjoy pa rin ako sa mundong ito, na kahit sinasabi ng iba na magulo at maintriga ay sobrang saya naman!

The post Snooky nakakaloka kausap first appeared on Abante.

snooky nakakaloka kausap - Snooky nakakaloka kausap
snooky - Snooky nakakaloka kausap

Jun Lalin Anything Goes 42 3 300x200 - Snooky nakakaloka kausapHow time flies talaga, Dondon (my dear editor). Aba, parang kailan lang nang mag-umpisa ako sa showbiz, pero ngayon, papunta na ako sa 34th year ko and I can proudly say na enjoy pa rin ako sa mundong ito, na kahit sinasabi ng iba na magulo at maintriga ay sobrang saya naman!

Palagi ko ring sinasabi na si Snooky Serna ang first big star na naging close ko sa showbiz.

Naaalala ko pa nga noong mga panahon na sa set ng kanilang mga pelikula at TV show madalas puntahan at interbyuhin ng mga reporter ang mga artista.

That time, paumagahan pa ang mga taping, shooting.

Eh, sobrang ma-PR si Snooky at madalas kapag dinadalaw mo siya sa set, maglalambing ‘yan na mag-stay ka na hanggang pack-up, kaya wala ka namang magagawa kundi ang pagbigyan siya.

In between takes, talagang sobrang tsika si Snooky, sobrang palakuwento. Kung ano-ano lang ang kuwentuhan n’yo, pero masaya.

Masasabi ko nga na simula noong 1987 hanggang ngayon, sobrang close pa rin kami ni Snooky.

Kundi man kami magkatsikahan in person, palagi naman kaming nagtatawagan (Facebook Messenger app).

Noong Tuesday afternoon nga, nadaanan ko ang dating bahay ni Snooky sa Joeylane, White Plains. Kinunan ko pa ng picture ang dating bahay ni Snooky at nang tawagan ko siya, sinabi ko sa aktres na, “Hulaan mo kung saan ako nadaan kanina? A place na sobrang memorable sa ‘yo!”

“Naku, Miss Lalin (pabirong tawag niya sa akin), huwag mo na akong pahulaan. Tell me, where?” sey ni Snooky.

“Sa dati mong bahay sa White Plains!” sey ko na sinagot niya na, “Naku, nase-senti naman ako. Baka maging emotional ako bigla!”

Ni-request nga ni Snooky na ipadala ko sa kanya ang picture.

“Ganoon pa rin ang hitsura ng bahay. Kunan mo naman sa bandang likod,” request pa niya na sinagot ko naman na, “Naku, Kookie, nasa Starbucks na ako, kanina ko pa nadaanan ‘yan. Kaloka ka!”

Maymay puring-puri ng mahusay na aktres

Anyway, sa tsikahan namin, naikuwento ni Snooky na, “Nasa SLEX na ako. Pabalik na kami ng Quezon City. Tapos na ang shooting ko sa movie ni Maymay (Entrata).”

Ha? SLEX? Baka naman NLEX dahil ang alam ko ay sa Bataan ang location shooting nila?

“Ay, wait, mali nga yata. NLEX nga kami, sa Bataan nga pala kami galing. Hahaha!” natatawang dialogue na lang ni Snooky dahil na-“Wow, Mali!” na naman siya. Hehehe!

Sabi niya tungkol kay Maymay, “Masayang kasama si Maymay. What you see is what you get. ‘Yun na ‘yon si Maymay. Masayahin. Nakakatawa siya.

“Ang bait niya. I love her! Sana magkasama uli kami,” sabi pa ni Snooky.

KZ, TJ todo lambingan

Bago pa pala inilabas ng mag-asawang KZ Tandingan at TJ Monterde ang tungkol sa secret marriage nila The Farm at San Benito (Batangas), may “nakipag-unahan” na pala sa kanila ng paglalabas ng picture no’n.

Nag-guest ang mag-asawa sa “Grateful Tuesdays” online show nina Chemist Pinky Tobiano at Yeng Constantino the other night at nagkabiruan tungkol doon.

Sabi ni Pinky, hindi siya ang naglabas ng tungkol sa kasal nina KZ at TJ.

Actually, that time, nasa The Farm din si Pinky kasama ang kaibigang si KC Concepcion at aminado naman sila na from a far ay napapanood nilang dalawa ang very solemn wedding, pero dahil alam nila na secret nga muna ang tungkol doon, naging quiet daw sila.

Anyway, nabanggit ni KZ sa guesting nila ‘yon ni TJ na first time nilang nag-guest at pag-usapan ang tungkol sa wedding nila at doon nga ‘yon sa online show nina Pinky at Yeng.

Nasa studio rin ako ng “Grateful Tuesday” noong isang gabi at napansin ko nga na mas lalo pang naging sweet sina KZ at TJ ngayong mag-asawa na sila.

Noon kasi, madalas ko na silang makita kapag kasa-kasama sila ng “tatay-tatayan” nilang si Martin Nievera (na isa sa iilang witness sa kasalang ‘yon) at sweet na naman sila, pero ngayon, mas todo ang sweetness nila.

The post Snooky nakakaloka kausap first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *