Snooky nabaliw sa ‘Sahaya’, mga fan nagbunyi

Isang heartwarming finale ang nasaksihan ng mga manonood ng “Sahaya” nitong Biyernes, September 6. Makalipas ang limang buwan, nagwakas na nga ang kuwento ng mga Badjaw, na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

snooky nabaliw sa sahaya mga fan nagbunyi - Snooky nabaliw sa ‘Sahaya’, mga fan nagbunyi
snooky 1 - Snooky nabaliw sa ‘Sahaya’, mga fan nagbunyi

Isang heartwarming finale ang nasaksihan ng mga manonood ng “Sahaya” nitong Biyernes, September 6. Makalipas ang limang buwan, nagwakas na nga ang kuwento ng mga Badjaw, na pinagbibidahan nina Bianca Umali, Miguel Tanfelix at Migo Adecer.

“She taught me so much more about life. I learned to have a different perspective of things because of going through the process of being Sahaya. I am in love with the culture of the Badjaws. Sometimes, the simpler things are the most memorable and treasured ones. She is not only one of the roles I got to portray. She’s not just another character or project. ‘Sahaya’ is a milestone sa buhay ko. Binigay ko lahat-lahat ng makakaya ko para sa kanya at hanggang sa pagtanda ko, maipagmamalaki ko siya because I am proud of her,” sabi ni Bianca sa karakter niyang si Sahaya.

“The best thing of giving life to Sahaya was learning her culture, ang kultura ng mga Badjaw. All the studying wasn’t just to learn for my role, but unexpectedly, I learned a lot of life changing lessons too,” dagdag pa ni Bianca.

Siyempre, kanya-kanyang reaksyon ang mga fan. Ang iba ay hindi matanggap ang pagkabigo ni Migo sa pag-ibig ni Bianca.

Ang iba ay natuwa sa sinapit ni Snooky Serna, na nahatulan nga, at nauwi sa tuluyang pagkabaliw.

Heto nga ang pahayag ng mga manonood:

Len’zkiepot Abordo, “Bagay na bagay kay Salida maging baliw. Hahaha Karma is real.”

minerva calinog, “Nainis at nanggigil tayu kay Salida…meaning sobrang galing umarte ni Ms. Snooky Serna! Congrats po.”

Agik SiJDM, “Ngayun lang ako nagalingan kay Snooky sa teleserye na to. Lumabas ung galing nya.”

Leah Mae, “Snooky is so good in her role. She delivered it well.”

Isabella Delafuente, “Sinabi niyang minahal at mahal niya pa rin si Jordan pero bakit ang sakit-sakit at bakit hindi pwede? Na-broken ang team Bubbles huhu. Mahal namin kayo Jordan at Sahaya. Sana nalang may next teleserye kayo, yung kayo talaga, yung walang what ifs and whys.”

November Lee, “Ouch. Ang sakit. Ouch. Para fair wala na lang sana makatuluyan si Sahaya. Kahit open ending na lang.”

jasmin buddy, “Kakaiyak naman ang ending ng love story ni Jordan. maraming bagay ginawa niya para kay sahaya.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *