Snooky aminadong lukring

snooky-serna

Kaaliw rin itong si Snooky Serna dahil isa siya sa mga celebrity na mahilig mag-Facebook live. Kahapon ng madaling-araw, naka-FB live na naman si Snooky.

The post Snooky aminadong lukring appeared first on Abante News Online.

snooky aminadong lukring - Snooky aminadong lukring
snooky serna - Snooky aminadong lukring

abante anything goes jun lalin 336x224 - Snooky aminadong lukringKaaliw rin itong si Snooky Serna dahil isa siya sa mga celebrity na mahilig mag-Facebook live. Kahapon ng madaling-araw, naka-FB live na naman si Snooky.

Sobrang happy siya sa FB live niya dahil magsisimula na nga raw sa Thursday ang shoo­ting niya ng “In The Name Of The Mother” kung saan si Joel Lamangan ang direktor niya.

May “Black Lipstick” din sila ni Kyline Alcantara at maganda ang role niya sa “Sahaya,” kaya naman type na type ni Snooky na nakakatsikahan ang mga fan niya sa FB live niya dahil marami ngang magagandang balita sa kanya.

In fairness, isa si Snooky sa mga artistang sobrang unprofessional noon, pero nang nagbago, talagang nagpa­katino dahil alam niya na kung babalik siya sa loka-lokahan days niya ay malabo na talaga siyang paniwalaan at pagkatiwalaan pa ng projects.

Ang maganda nga pala kay Snooky, never niyang ikinaila ang loka-lokahan days niya.

Hindi rin siya ‘yung tipong napipikon kapag ipinaaalala sa kanya ang mga nagawa niya noon at panay na lang ang sorry niya!

Mga matitinong artista damay sa mga adik

Maraming mga taga-showbiz na ang wish ngayon ay ilabas na ‘yung sinasabing mga kasama sa 31 celebrities na nasa drug watchlist ng PDEA (Phi­lippine Drug Enforcement Agency) para magkaalaman na!

Kasi, ginagawang blind item nga ‘yung mga nasa drug watchlist, kaya kahit ‘yung mga celebrity naman na matitino, napagdududahan tuloy.

Pati nga ‘yung sinasabing young love team na kasama raw sa list, kung sino-sinong magka-love team tuloy ang napaghihinalaan.

Sa kalilipat ko nga pala ng radio noong Saturday afternoon, nadaa­nan ko ‘yung interview sa isang taga-PDEA na nagsabing kaya raw niya nasabi na may mga celebrity sa drug watchlist nila ay dahil tinanong siya ng isang taga-media kung may artista ba na nasa drug watchlist nila at sinabi niyang meron, actually, sinabi rin daw niya na pati sa media, meron, kaya raw lumabas ‘yon.

Well…

Pops ayaw agawan ng eksena si Ai-Ai

Noong Saturday ay may na-post na video na ang saya-saya nina Martin Nievera at Ogie Alcasid habang papasok sa plane na pa­balik ng Manila. Accor­ding to Joy Alonzo, Martin’s personal manager, kuha ‘yon nang pabalik na sila ng Manila from, Davao City.

May private event daw kung saan kumanta sina Martin at Ogie kasama si Lara Maigue.

Noong Monday lang nakabalik ng bansa from Toronto, Canada si Martin Nievera, pero ratsada na kaagad siya sa trabaho. Kahapon, nakabalik na raw sa “ASAP Natin ‘To” si Martin.

Ang ex-wife naman ni Martin, si Pops Fernandez, kahit hindi na masyadong nagge-guest sa TV para kumanta, nag-appear sa “It’s Showtime” noong Saturday with Regine Velasquez-Alcasid dahil birthday ni Vice Ganda.

Kapag mga ganoon daw na nare-request siya at very dear sa kanya ang may birthday, nagge-guest naman siya.

Pinaghahandaan na nga pala ni Pops ‘yung showing ng “Feelinials” nina Ai-Ai delas Alas at Bayani Agbayani na isa siya sa mga producer.

“Pero, Dear, gusto ko kina Ai-Ai and Ba­yani na lang naka-focus ang publicity, huwag na sa akin. Sila naman ang mga bida sa Feelinials,” sey ni Pops na in fairness, kaliwa’t kanan ang mga negosyo at ang pinakabago nga itong movie producing, huh!

The post Snooky aminadong lukring appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *