‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa Linggo

Ang saya lang dahil dumarami na naman ang trabaho ngayon sa showbiz. Ilang pelikula na ang natapos at ilang pelikula rin ang nakapagsimula na ng shooting.

The post ‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa Linggo first appeared on Abante.

snl palaban sa asap tv5 a2z magbubugbugan sa linggo - ‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa Linggo
TV5 A2Z - ‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa Linggo

Jun Lalin Anything Goes 42 2 300x200 - ‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa LinggoAng saya lang dahil dumarami na naman ang trabaho ngayon sa showbiz. Ilang pelikula na ang natapos at ilang pelikula rin ang nakapagsimula na ng shooting.

Sa TV naman, napakaraming lock-in taping ngayon at sa Sunday ay tapatan nga ng “ASAP Natin ‘To” ng ABS-CBN na napapanood na rin sa A2Z Channel 11 at ang “Sunday Noontime Live” o “SNL” ni Mr. M (Johnny Manahan) sa TV5 na produced ni Mr. Albee Benitez ng Brightlight Productions.

Pati GMA 7, tuloy-tuloy na rin ang mga taping ng series nila!

At ang Net25 ay rumaratsada na rin, huh!

May musical sitcom sila na pinagbibidahan nina Robin Padilla, Vina Morales at Pilita Corrales at may daily noontime show rin sila, ang “Happy Time” nina Anjo Yllana, Kitkat at Janno Gibbs.

May iba pang show ang Net25 at the latest I heard nga, magkakaroon ng morning shows ang showbiz mommies na sina Ara Mina, Jan Marini at Melissa Ricks.

Pre-programming daw ‘yon ng noontime show nina Anjo, Kitkat at Janno at sa December ang simula nila.

Ang “Happy Time” rin, magkakaroon ng sariling studio para makapag-live na raw sila araw-araw.

Nakakatuwa lang, Dondon, na kahit may COVID-19 pandemic pa rin ay tuloy-tuloy pa rin ang ikot ng mundo ng showbiz, ‘noh?!

Ang saya-saya lang!

Zion, Kai namigay ng mga laruan

Alam mo, Dondon (my dear editor), kung hindi pa kami nagkatsikahan ng businesswoman/philanthropist na si Chemist Pinky Tobiano, hindi ko malalaman na nag-donate pala ng toys nila ang mga anak nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na sina Zion at Kai para sa online advocacy show na “Grateful Tuesday” na ipinapalabas sa official Facebook page ng Cornerstone Entertainment.

Eh, magkakasama kami nina Richard at Sarah, plus their kids sa Sunday lunch sa White Plains house ng pamilya Gutierrez, pero walang na-mention ang mag-asawa tungkol doon.

Ang nabanggit lang ni Richard, “You’re so close pala with Ms. Pinky.”

Anyway, kuwento nga ni Pinky, noong nagkasama sila sa Balesin Island for Sarah’s advance birthday celebration, napag-usapan daw nila ang tungkol sa online advocacy show nila ni Yeng Constantino.

Nandoon din sina Zion at Kai at nabuo nga ang idea na mag-donate ng toys nila ang magkapatid.

“Jun, I’m so touched. Ang galing ng pagpapalaki nina Richard at Sarah sa mga anak nila. These are the things people should know.

“You need to write this write about this to inspire more people to share and teach their children good values,” sey ni Pinky.

Ipinadala nga sa akin ni Pinky ang video nina Zion at Kai kung saan ay kitang-kita ang ilang boxes ng toys ng magkapatid na donation nila sa “Grateful Tuesdays”.

Sabi pa ni Pinky, “Maraming mga batang makikinabang sa toys na ‘yon. So thankful to the kids. Kuwento nga ni Sarah, tumulong pa sina Zion at Kai sa paglalagay ng toys nila sa boxes na ipinadala sa amin para ipamigay sa mga bata!”

So touching!

The post ‘SNL’ palaban sa ASAP: TV5, A2Z magbubugbugan sa Linggo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *