Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler

Naaliw ako sa kuwento na tinalakan ng isang concert producer ang handler ng isang singer/actor.

The post Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler appeared first on Abante News Online.

singer aktor napahamak kay mahaderang handler - Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler
Abante singer - Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler

abante anything goes jun lalin 336x224 - Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler
Naaliw ako sa kuwento na tinalakan ng isang concert producer ang handler ng isang singer/actor.

Tinanggap daw kasi ni handler ang offer ni concert producer na mag-perform si singer/actor sa pa-dinner concert nito, pero ang nakakaloka, hindi pala muna inalam ni handler kay singer/actor kung puwede ito.

Nag-rely raw kasi si handler sa schedule na hawak niya at free raw si singer/actor.

Eh, may personal palang lakad si singer/actor, kaya hindi siya puwede sa pa-concert na ‘yon, kaya nang sabihan siya ng handler niya, tumanggi na siya.

Galit na galit si concert producer kay handler dahil basta raw pala ito nag-yes na hindi muna kino-confirm kay singer/actor kung puwede nga ito.

Eh, nasa poster pa naman ng concert na ‘yon si singer/actor, kaya ang akala tuloy ng mga nanood, indiyanero sa event na ‘yon si singer/actor.

Teka! Hindi kaya may personal na lakad si singer/actor kay singer/actress na girlfriend niya at sinasabing pakakasalan na niya next year?

Well…

Pokwang enjoy magpaka-yaya kay Malia

Kahapon, kapalitan ko ng PM (private message) si Pokwang. Kapag Sunday pala, hanggang maaari ay hindi siya lumalabas ng bahay dahil siya mismo ang nag-aalaga sa anak na si Malia.

“Ako ang in-charge kay Tisay, Sunday, wala si yaya,” sabi ng comedienne.

Actually, enjoy naman si Pokwang sa pag-aalaga kay Malia dahil mas nakakapag-bonding silang mag-ina lalo na ngayon na naglalakad na ang kanyang bunso at sobrang likot na.

Noong magbakasyon nga sila sa Hawaii kamakailan, sobra raw siyang nag-enjoy dahil bukod kay Malia ay kasama rin ang panganay niya na si Mae Subong, pati na ang lovey-dovey niyang si Lee O’Brian at kasama pa nga nila ang parents nito na nag-celebrate ng 50th wedding anniversary.

Vice, Ion balik ‘Showtime’ sa Miyerkoles

Nakita ko na nag-post si Anna Puno ng pictures na kuha sa Chumash Resort Casino show ni Vice Ganda sa Santa Ynez, California. Nakita ko sa isang picture na nasa stage si Ion Perez kasama si Vice at ang iba pa nilang entourage sa US tour nila.

Mukhang nag-perform naman si Ion. As you read this, kasalukuyang nagsu-show na sila sa Pechanga Resort Casino sa Temecula naman.

Sa Wednesday, balik-It’s Showtime si Vice.

The post Singer/aktor napahamak kay mahaderang handler appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *