Singer-actor baon sa utang

Hanggang ngayon ay matindi pa rin pala ang kailangang panagutang obligasyon tungkol sa pera ang isang kilalang singer-actor. Sa madaling salita ay baon pa rin siya sa utang.

The post Singer-actor baon sa utang first appeared on Abante.

singer actor baon sa utang - Singer-actor baon sa utang
male singer1 - Singer-actor baon sa utang

Cristy Fermin No Thanks 81 300x200 - Singer-actor baon sa utangHanggang ngayon ay matindi pa rin pala ang kailangang panagutang obligasyon tungkol sa pera ang isang kilalang singer-actor. Sa madaling salita ay baon pa rin siya sa utang.

Ayon sa mga kuwentong umiikot ngayon ay kinalampag na siya ng kanyang mga pinagkakautangan dahil hindi siya nakatupad sa kanyang pangako na sa ganito at ganu’ng panahon ay magbabayad na siya.

Kuwento ng aming source, “Marami siyang inutangan. Mga kasamahan niya ang binulabog niya nu’ng mangailangan siya nang malaking halaga para sa personal niyang pangarap.

“Perang inipon ‘yun ng mga katrabaho niya, inutang niya, pinangakuan niya ang mga taong ‘yun na magbabayad din siya agad. Ang iba, e, puwede pang manahimik lang.

“Pero ang ibang inutangan niya, e, may matindi na ring pangangailangan ngayon dahil sa kawalan nila ng trabaho. Ibang-iba na ang sitwasyon nu’n sa ngayon.”

“Maraming nawalan ng work sa istasyong pinagtatrabahuhan nila, meron pang pandemya, kaya hindi na rin makapaghihintay ang mga inutangan ng singer-actor,” unang paliwanag ng aming impormante.

Ang pagiging maluho ng male personality at ng kanyang karelasyong aktres ang itinuturong dahilan ng mas nakararami kaya nabaon sila sa pagkakautang.

Patuloy ng aming source, “Para kasi silang mga butiki na nagpipilit na yumakap sa poste. Hindi naman nila kaya pero masyado silang nagpapabongga.

“Puwede naman silang mamuhay nang simple lang, pero bonggang-bongga ang lifestyle nila, kaya ayan, problemado ngayon ang male personality sa mga tawag nang tawag sa kanya para maningil!

“Okey lang daw kung business sana ang pinaglagyan nila ng datung na inutang nila, pero sa personal na kagarbuhan kasi ‘yun napunta, kaya maraming naiinis sa kanila.

“Hay, naku! Mag-rap man nang maghapon at magdamag ang male singer, e, hindi siya makababayad sa mga pinagkakautangan niya!” napapailing na pagtatapos ng aming impormante.

Andrea tinakot kay Derek

Tinatakot ng mga netizens si Andrea Torres. Huwag daw siyang masyadong umasa sa mga pangako ni Derek Ramsay. Matutulad din daw siya sa mga nakaraang karelasyon ng hunk actor na pinangakuan nito ng kasal pero ang ending ay wala naman pala.

Misis na misis na raw kasi ang dating ni Andeng, nakapambahay lang siya sa pinanonood ngayong vlog ng aktor tungkol sa ipinatayo nitong mansiyon, nakakaawa raw naman ang dalaga kung mabubuhay rin siya sa pangakong kasal ni Derek.

Pero sa mga nakikita namin ngayon ay may kuwento sa likod ng mga pananakot kay Andeng. Parang tapos na ang ikinababahala ng marami tungkol sa kanya, parang meron nang naganap na hindi lang nila inilalabas ni Derek.

Galing sa isang maayos na pamilya ang napakaseksing si Andrea Torres. Propesor sa UST ang kanyang ama, nagnenegosyo naman ang kanyang ina, nabigyan na kami ng pagkakataong makilala ang kanilang pamilya.

Nakasama na nila nang ilang beses si Derek Ramsay, sa mga panahong ‘yun ay siguradong nakilatis na nila ang boyfriend ng kanilang anak, kaya wala na silang inaalala.

Salamat naman at napunta sa maayos na mga kamay si Andeng, nakakilala siya ng lalaking may paninindigan at tunay siyang mahal, hindi tulad ng nakaraan niyang karelasyon na literal lang na nanggamit sa kanya.

Diretso namang inaamin ni Derek na si Andrea na talaga ang gusto nitong makasama, gustung-gusto ng kanyang pamilya ang dalaga, dahil hindi lang basta sexy si AndreaTorres kundi matalinong babae.

The post Singer-actor baon sa utang first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *