Simon Cowell super payat, mukhang may sakit

Marami ang nagulat sa hitsura ngayon ni Simon Cowell nang mag-premiere ang “Celebrity X Factor”. Nag-trending sa social media ang biglang pagpayat nito at marami ang nagtanong kung may sakit ba ito?

simon cowell super payat mukhang may sakit - Simon Cowell super payat, mukhang may sakit
simon - Simon Cowell super payat, mukhang may sakit

Marami ang nagulat sa hitsura ngayon ni Simon Cowell nang mag-premiere ang “Celebrity X Factor”. Nag-trending sa social media ang biglang pagpayat nito at marami ang nagtanong kung may sakit ba ito?

Ayon sa report, nag-iba ng kanyang diet ang 60-year-old producer and judge. Ilang buwan na raw itong naging vegan kaya dramatic ang weight loss nito.

Ang dating malamang katawan at mukha ni Simon ay biglang lumiit kaya humpak ang mga pisngi nito at pati ang mga mata nito ay biglang lumalim.

Concern lang daw ang mga netizen sa hitsura ni Simon sa TV dahil hindi sila sanay na gano’n ang hitsura niya. Mas gusto pa raw nila ang dating hitsura nito bago ito nagpaka-vegan.

Heto ang ilang reaction ng netizens:

“Is Simon Cowell ill? He looks awful – really gaunt, scrawny and unhealthy.”

“Is it just me or does Simon Cowell look really ill?”

“Ok so all joking aside I’m loving #XFactorCelebrity but is Simon Cowell seriously Ill?? He really doesnt look good at all.”

“Feeling slightly hypnotised by Simon Cowell’s new face…”

“When did Simon Cowell get abducted and replaced with this robot.” (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *