Sikat na political cartoonist pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 74 ang sikat na political cartoonist na si Vic Delotavo dahil sa atake sa puso noong Mayo 20.

The post Sikat na political cartoonist pumanaw na appeared first on Abante News Online.

sikat na political cartoonist pumanaw na - Sikat na political cartoonist pumanaw na
Vic Delotavo - Sikat na political cartoonist pumanaw na

Pumanaw na sa edad na 74 ang sikat na political cartoonist na si Vic Delotavo dahil sa atake sa puso noong Mayo 20.

Si Delotavo ay kilalang 70s illustrator, URIAN trophy designer, obsessive Gerry De Leon champion, at outstanding movie poster designer.

Inilagak ang kanyang mga labi sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Araneta Avenue, Parlor 203, at nai-cremate sa La Fumeraria Paz Crematorium kahapon.

Ang mga guhit ni Delotavo ay nakilala sa pagiging makahulugan, matapang at nakakamulat sa isipan. Siya ay tubong Domangas, Iloilo.

Ang kanyang political cartoons earned a double spread on Eggie Apostol’s Mr. & Ms. na may pamagat na “I’m Furious Yellow” na hango sa proto erotic Swedish film na “I Am Curious Yellow.”

Bantog din si Delotavo sa pagdisenyo ng mga poster ng higit 400 movies, ilan lang dito ang “Oro, Plata, Mata” at “Scorpio Nights” produced by Robbie Tan’s Seiko Films at Regal Entertainment ni Mother Lily.

Nagkaroon siya ng poster exhibit noong 2018 sa UP Vargas Museum. Hindi siya takot na matalbugan ng iba ang kanyang mga obra, at sa katunayan ay pabor pa sa kompetisyon, na aniya’y makabubuti pa upang mas maingat ang antas ng kani-kanilang guhit.

Nag-aral si Vic sa University of San Agustin sa Iloilo sa kursong Advertising, at naging art director ng campus paper na Agustinian Mirror. Nag-umpisa siya sa cartooning in a page called “Cracks in the Mirror,” na nagwaging best campus publication nationwide.

“He was a personal calligraphist, one who excelled in crafting his own fonts,” anang artist gaya niya na si Jose Tence Ruiz.

The post Sikat na political cartoonist pumanaw na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *