Sikat na personalidad mapapanood na sa PTV

Nakaka-excite ang sinasabing pagbabagong anyo ng balita sa People’s Television na matutunghayan sa Lunes (Sept. 07). Pinagbubulungan nga kung sinu-sino ang madaragdag sa mga tagapagbalita sa government network lalo pa at ilan sa mga kilalang personalidad sa pagbabalita mula sa ibang network ang napapaulat ngayong nagsisilipatan na sa ibang mga dating kalabang istasyon.

The post Sikat na personalidad mapapanood na sa PTV first appeared on Abante.

sikat na personalidad mapapanood na sa ptv - Sikat na personalidad mapapanood na sa PTV
PTV - Sikat na personalidad mapapanood na sa PTV

Nakaka-excite ang sinasabing pagbabagong anyo ng balita sa People’s Television na matutunghayan sa Lunes (Sept. 07). Pinagbubulungan nga kung sinu-sino ang madaragdag sa mga tagapagbalita sa government network lalo pa at ilan sa mga kilalang personalidad sa pagbabalita mula sa ibang network ang napapaulat ngayong nagsisilipatan na sa ibang mga dating kalabang istasyon.

May ilan kaya sa kanilang mapapanood na sa PTV simula sa Lunes?

Ayon sa aming source mula sa PTV, kumpirmado na raw na may madaragdag na malaking pangalan sa hanay ng kanilang mga news anchors, partikular sa primetime newscast nilang Ulat Bayan, na umeere alas sais ng gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Bagamat mananatili pa rin umano sa programa sina Aljo Bendijo, Diane Querrer at Alex Santos bilang newscasters, hindi raw matatawaran ang magiging ambag na kredibilidad sa pagbabalita ng daragdag na personalidad sa tatlo. Power of Four ika nga, ang magiging panlaban ng PTV sa mas pinalakas nitong Ulat Bayan.

Sino nga kaya ang tinutukoy nilang beteranong mamamahayag na ito?

Sabay-sabay na lang daw nating alamin ang sagot sa Lunes ng gabi!

The post Sikat na personalidad mapapanood na sa PTV first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *