Sikat na female personality ubod ng damot

Bakit kaya kahit anong press release ang ilabas ng kampo ng isang kilalang female personality ay mas marami pa ring hindi kagandahang kuwentong umiikot tungkol sa kanya?

The post Sikat na female personality ubod ng damot appeared first on Abante News Online.

sikat na female personality ubod ng damot - Sikat na female personality ubod ng damot
female - Sikat na female personality ubod ng damot

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Sikat na female personality ubod ng damotBakit kaya kahit anong press release ang ilabas ng kampo ng isang kilalang female personality ay mas marami pa ring hindi kagandahang kuwentong umiikot tungkol sa kanya?

At hindi ibang tao ang naglalabas ng mga negang balita tungkol sa sikat na female personality, mismong mga nagtrabaho sa kanya ang mga ‘yun, mga hindi nakatagal sa kanyang poder at nagseserbisyo na ngayon sa ibang mga artista.

Kuwento ng aming source, “Pakitang-tao lang kung tawagin nila si ____ (pangalan ng sikat na female personality), magaling lang siya sa harap ng mga camera.
“Mabait lang kuno siya kapag may mga nag-i-interview sa kanya, pero sa totoong buhay, e, kabaligtaran naman ang attitude niya! Kunwari, very generous ang dating niya, ‘di ba?

“Naku, mismong mga naging PA niya ang nagkukuwento kung gaano siya karamot! Hindi raw basta masinop lang sa kabuhayan niya ang girl, literal siyang maramot, kaya walang masyadong tumatagal sa kanya!

“Sa pagbibiyahe nila ng mga alalay niya, e, kain siya nang kain! Siya lang ang lumalafang, palunok-lunok lang ang driver at mga kasama niya! Hindi man lang siya nag-aalok!

“At bilang na bilang pala ng girl ang mga baon niyang food sa set, walang puwedeng makialam, kanya lang ‘yun at hindi for public consumption!” natatawang kuwento ng aming source.

Bukod sa pagiging maramot ay napakahigpit din palang boss ng sikat na female perso-nality na ito. Maraming bawal sa kanyang pamamahay, maraming hindi puwedeng gawin ang mga kasambahay niya, kaya ganu’n na lang ang saya ng mga ito kapag umaalis siya sa bansa.

“Naku, fiesta para sa kanila kapag umaalis ang boss nila! Kahit kapag nagpupunta lang siya sa probinsiya ng husband niya, nagpipista na ang mga kasambahay niya!

“Maliit kuno ang puso ng girl, hindi siya kasing-generous ng napapanood lang natin sa TV, maramot siya,” napapailing pang kuwento ng aming source.

Mga basher ni Regine mapapaos lang

Grabe ang lengguwahe ng mga bashers. Mema lang sila, may masabi lang, makapanakit lang ng damdamin lalo na ng mga artistang nananahimik lang at hindi naman sila sinasaktan.

Pero totoo ang komento ng aming kausap na kapag pinupuntirya ng mga bashers ang isang artista ay isa lang ang ibig sabihin nu’n, nasa gitna pa rin siya ng laban, hindi pa tapos ang kanyang panahon.

Isa sa mga paboritong upakan ng mga haters at bashers si Regine Velasquez. Ayaw nilang tantanan ang Asia’s Songbird. Lahat na yata ng pintas ay naibato-naipakain nila sa magaling na singer na kung t­awagin ng mga ito ay matanda na at laos.

Nakakatawa lang. Kung si Regine Velasquez naman ang tatawaging laos ay gugustuhin na sigurong malaos ng kanyang mga kakontemporaryong singers.

Gitnang-gitna ng laban pa rin ang ginagalawan ni Regine, marami siyang concerts at mga shows, palagi pa siyang napapanood sa mga programa ng ABS-CBN.

Kung ganu’n naman kaganda ang takbo ng career ng kahit sinong personalidad ay mas gugustuhin na niyang ituring siyang laos kesa sa sikat. Wala nang kailangang patunayan pa si Regine, naabot na niya ang sobra-sobra pa sa estadong pinapangarap lang niya, sa pagkakaroon pa lang ng titulong Asia’s Songbird ay wala nang makahihirit pa para ituring siyang laos na.

Mamalatin lang ang mga sumisigaw na laos na si Regine Velasquez, sila ang mapapagod, dahil nasa kaitaasan pa ng kanyang singing career ang misis ni Ogie Alcasid.

The post Sikat na female personality ubod ng damot appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *