Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na Darna

Lumutang ang panawagan sa social media na si Nadine Lustre ang dapat pumalit kay Liza Soberano bilang Darna. Nag-back out si Liza sa movie dahil sa fracture sa daliri dala ng nakaraang aksidente sa ginawang series.

The post Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na Darna appeared first on Abante News Online.

sigaw ng mga pinoy nadine mas bagay na darna - Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na Darna
nadine 7 - Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na Darna

abante i know better jun nardo 336x224 - Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na DarnaLumutang ang panawagan sa social media na si Nadine Lustre ang dapat pumalit kay Liza Soberano bilang Darna. Nag-back out si Liza sa movie dahil sa fracture sa daliri dala ng nakaraang aksidente sa ginawang series.

Eh, kasabay ng pagbitiw ni Liza sa project, lumabas ang report na si Nadine ang naging inspirasyon sa comic book cover ng unang Filipino superhero na pinangalanang Wave.

Gawa ang art work cover nina Mico Suayan at Rain Beredo na lumabas sa Facebook page ng top local comic book shop na Comic Odyssey.

Sa totoo lang, swak si Nadine bilang Darna dahil Pinay na Pinay ang dating niya, hindi gaya ni Liza na mestiza ang features, huh!

Tom ‘di takot kay Derek

Si Tom Rodriguez ang buwena-manong aktor na kinuha ng FOX Network Groups sa unang local movie nilang prinodyus, ang horror thriller na ‘Maledicto’.

Sa pag-venture sa local production, umaasa ang senior vice president at general manager ng FOX Networks Group Philippines na si Jude Torcuato, “To elevate Filipino cinema to one of Hollywood pedigree”.
Sa presscon ng movie, nakausap ng press si Tom at natanong kung threat si Derek Ramsay sa paglipat nito sa Kapuso Network.

“We’re in one industry whether you’re on GMA, Channel 2 or TV5, we are all here for the same thing. ‘Yung magpasaya ng tao at kumikita rin kami.

“Kung may wish ako na Maledicto (Latin word for curse), para sa ibang tao, paano kung bumalik sa akin ‘yon? Pareho lang din ang sitwasyon.

“I don’t look at it as a threat!” rason ni Tom.

Lalabas na pari si Tom at nag-aral siya ng lengguwaheng Latin para maging makatotohanan ang character niya. Bukod sa movie na mapapanood sa May 1, leading man siya ni Janine Gutierrez sa ‘Dragon Lady’.

The post Sigaw ng mga Pinoy: Nadine mas bagay na Darna appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *