‘Si Lord na bahala sa inyo!’

Sino ba ang pinatutungkulan ni Ai Ai delas Alas na nanloko sa kanya? Nabulabog nga ang mga fan niya sa Instagram post niya tungkol sa mga taong nanloko sa kanya.

The post ‘Si Lord na bahala sa inyo!’ appeared first on Abante News Online.

si lord na bahala sa inyo - ‘Si Lord na bahala sa inyo!’
ABANTE aiai delas alas - ‘Si Lord na bahala sa inyo!’

By Dondon Sermino

Sino ba ang pinatutungkulan ni Ai Ai delas Alas na nanloko sa kanya? Nabulabog nga ang mga fan niya sa Instagram post niya tungkol sa mga taong nanloko sa kanya.

“Good morning everyone. Heto mga natutunan ko sa buhay ko sa pagdaloy ng panahon, TRUST GOD, wag mawalan ng pag asa, ang buhay ay pana-panahon , etc etc …

“Sa buhay ko ang pangarap ko dati maging flight attendant pero di natupad… ngayun nasa show business ako iniingatan ko ang bigay ng DYOS sa akin na trabaho or career kasi naniniwala ako na lahat ng bagay bigay ng DYOS.. ( pag di mo iningatan sayang at baka bawiin nya )sobra ako nagsisipag para sa pamilya ko, mga anak, magulang, para sa future namin ni Gerald at magi-ging anak namin…

“Simple lang naman ang pangarap ko buong pamilya at magkaron ng food chain kagaya ng Jollibee hahaha… Pero minsan hindi naten ma-control ang nangyayare sa buhay naten na magtataka ka bakit nangyayare.

“Siguro may gustong ituro ang tadhana sa akin. At siguro para itama ang mga mali ko sa susunod na ma-encounter ko ulit ito… minsan di ko din alam bakit niloloko ako ng mga tao sa paligid ko…

“Sabi ng mga totoo kong kaibigan at asawa mabait ka kasi masyado… Ang sagot ng puso ko masama bang maging mabait?? Di ba pag mabait ka matutuwa si LORD SAYO?

“Anyways sa mga nanloko saken sa negosyo si Lord na bahala sa inyo… basta ako happy nalang ako kasi buo ang pamilya ko at alam ko ibabalik lahat ni LORD sa akin siksik liglig at umaapaw at madami blessing sa buhay ko.

“Mababait at magagandang mga anak ko, magaling na nanay ko, napakabait at mabuti ng asawa ko, mga totoong kaibigang maasahan at si LORD AT MAMA MARY na nakikinig parate sa aking mga dasal. GOD BLESS EVERYONE.

#magingmabaitsalahatngpanahon #wagbibitawsamundokahitmadamingdemonyo #itne-verransforever #superpinaghirapankoangperako,” sabi ni Ai-Ai.

Super suporta naman ang mga fan sa Comedy Queen, at ramdam nila ang pinagdaraanan ng idolo nila.

“So sad naman. God is watching Miss Ai dont worry babalik din pera sayo ten folds.”

“Bakit par… sinong yang mga nanloko sayo. naku magtayo ka na lang ng apartment par wala kang lugi dun. wag ka na kuha partner. 10 doors 10k erymonth isa pasok na un. 100k everymonth. wala ka ng pasasahudin wala pang everyday gastos dun.”
Well…

The post ‘Si Lord na bahala sa inyo!’ appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *