Si Lord ang boyfriend ko – Rita

Bakasyon grande ang BoBrey loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela pagkatapos ng kanilang gagawing shows dito at sa Amerika. Wala pa kasing sisimulan na bagong teleserye ang dalawa kaya susulitin nila ang libreng panahon nila para makapagbakasyon na walang iniisip na taping.

The post Si Lord ang boyfriend ko – Rita appeared first on Abante News Online.

si lord ang boyfriend ko rita - Si Lord ang boyfriend ko – Rita
ABANTE rita - Si Lord ang boyfriend ko – Rita

By Ruel Mendoza

Bakasyon grande ang BoBrey loveteam na sina Ken Chan at Rita Daniela pagkatapos ng kanilang gagawing shows dito at sa Amerika. Wala pa kasing sisimulan na bagong teleserye ang dalawa kaya susulitin nila ang libreng panahon nila para makapagbakasyon na walang iniisip na taping.

Ngayon daw kasi ay preparation para sa “My Special Love #BoBreyInConcert” on May 11 sa Music Museum ang pinagkakaabalahan nila ni Ken at Rita. Sa June naman ang show nila sa US.

“Nakaplano na po ‘yung vacation ko sa June. Mga 15 days din ako mag-i-stay sa US. Punta po ako sa New York, Los Angeles at Maryland. Iti-treat po ako ng mga relatives namin na matagal kong ‘di nakikita.

“Sasamantalahin ko ang mahaba-habang bakasyon ko po. Pitong buwan din kaming nag-work sa ‘My Special Tatay.’ Deserve namin ni Rita na mag-enjoy sa bakasyon muna,” sabi ni Ken.

Si Rita naman daw ay uuwi agad ng Pilipinas after ng US show. May ilang commitments daw siya pero nakahanda na raw ang bakasyon niya.

“Actually parang retreat itong bakasyon ko. Doon ako sa lugar na tahimik at makakapag-reflect ako sa mga salita ng Diyos. Gusto kong maging spiritually active kahit on vacation ako.

“Ever since na na-baptize ako ulit, mas maganda na ang tingin ko sa buhay. “Lagi ko ngang sinabi, si Lord ang karelasyon ko ngayon… siya ang boyfriend ko ngayon,” ngiti naman ni Rita.

May next teleserye na raw ang BoBrey loveteam pero sa third quarter of the year na raw iyon sisimulan.

The post Si Lord ang boyfriend ko – Rita appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *