Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB Gandanghari

Sa kabila ng mga naging pahayag ni BB Gandanghari sa kanyang recent vlog entry tungkol kay Piolo Pascual, taliwas pa rin ang tingin ng mga tao, netizen sa kanya.

The post Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB Gandanghari first appeared on Abante.

si daniel na ang sikat piolo wala nang career para sirain bb gandanghari - Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB Gandanghari
BB Gandanghari 1 - Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB Gandanghari

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB GandanghariSa kabila ng mga naging pahayag ni BB Gandanghari sa kanyang recent vlog entry tungkol kay Piolo Pascual, taliwas pa rin ang tingin ng mga tao, netizen sa kanya.

Para kay BB, hindi raw niya “ina-out” si Piolo. Ang tell-all niya raw ay ang kuwento ni Rustom Padilla. Pinayuhan pa nito si Piolo kung paano puwedeng sumagot sa mga tanong sa kanya.

Na kay Piolo na raw ‘yun kung ano ang gustong isagot. Either, he will say that he’s a straight man or he will say that he’s gay pero ang siste, it is his (Rustom) story.

Dinipensahan din ni BB ang paratang sa kanya na sinisira niya ang career ni Piolo. Para rito, anong career raw ni Piolo ang sisirain niya, hindi na raw matinee idol si Piolo na kinumpara pa sa pamangkin niyang si Daniel Padilla.

Pero sa mga rebelasyong ito ni BB, majority ay hindi niya nakukuha ang simpatiya talaga. Mas lamang na mali, kahit sa LGBTQ community ang ginagawa niya na tila gusto niyang “i-out” ang iba. Kumbaga, kung gustong mag-out ng isang LGBTQ sa totoong kasarian niya, nasa kanya yun at wala sa karapatan ng iba.

Bukod dito, ang nakikita ng netizens kay BB ay isang taong depressed daw. May mga naaawa rin kay BB at natatakot sa posible pa raw nitong puwedeng maisipang gawin dahil sa palagay nga nila, grabe raw ang depression nito.

***

Birada ni Padilla kay Pascual walang epekto

Sa isang banda, mukhang wala ngang career ni Piolo na puwedeng masira. Bukod sa si Piolo ay laman halos ng balita lately, heto’t sa ginawang announcement ng Beautederm, puro excitement at pagkagulat ang rumehistro sa lahat na ang latest ambassador ng Beautederm ay ang actor.

Isa lang ang nakikita namin dito– whether people think Piolo Pascual is straight or gay– walang epekto sa mga fan. Katulad ng nakalipas na dalawang dekada, si Piolo ay kinakikiligan pa rin ng karamihan.

Kahit ang Beautederm CEO and President na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, sa kabila ng siya na yata ang pinakabongga ngayong kumpanya na merong pinakamaraming celebrity ambassadors, mga sikat ang karamihan at napagsama-sama niya ang lahat ng networks ay ganun na lang ang tuwa na natupad ang bucket list niya.

Isa raw sa bucket list niya at kasama sa pagsisimula pa lang ng Beautederm noong 2009 si Piolo na nasa wish niyang makuhang endorser. Eleven years after, nagkaroon ito ng katuparan.

Ang bestseller na Beau Charcoal Soap mula sa Spruce & Dash men’s line ng brand ang ine-endorso ng controversial actor.

***

Baby ni Rochelle 3 beses inoperahan

Nakausap namin sa telepono si Rochelle Pangilinan. Naikuwento niya kasi na ang isa sa pinakamatinding pinagdaanan nila ng mister na si Arthur Solinap ngayong may pandemic ay ang nangyari sa anak na si Shiloh.

Pahapyaw lang na nabanggit ni Rochelle nang magkaroon ito ng virtual presscon para sa pinagbibidahang episode sa Wish Ko Lang, ang “inararo” na hindi raw nila akalain na mapupunta sila ng hospital during COVID-19 with Shiloh, grabe raw yung pinagdaanan nilang yun at nagpapasalamat na lang daw siya ngayon na nalagpasan nila.

Nang makausap nga naming muli si Rochelle, grabe nga pala ang nangyari. Umabot ng 2-3 degrees ang burn ni Shiloh sa kamay. Aksidente raw kasing naabot nito ang mainit na lugaw.

Hindi lang simpleng pagdalaw sa emergency room ang nangyari sa kanila. Na-confined pa ito at tatlong beses na naoperahan ang balat. May limang araw rin daw silang nasa hospital.

Bukod dito, nagulat din kami sa laki ng bills na inabot nila. Natatawa na nga lang na sabi ni Rochelle, “Imagine, at this time pa talaga, yung pinaka-iiwasan mong lugar, pinuntahan namin with Shiloh and hindi mo talaga masasabi ang aksidente. At yung ginastos namin, during the time talaga na you have to save, ‘di ba?

“Grabe yung prayer namin that time and ngayon, siyempre, nangyari na yun, sobrang nagpapasalamat na lang kaming pamilya na nalagpasan namin siya during pandemic.”

Sa isang banda, nakahanap naman si Rochelle ng bago niyang passion. Nagtuturo ito ng online workout, ang The War Biggest Loser kasama ang Sexbomb na si Aira. Ang mga detalye ay nasa Facebook page nila na Workout with Aira and Rochelle.

The post Si Daniel na ang sikat: Piolo wala nang career para sirain — BB Gandanghari first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *