‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice Ganda

Finally ay nakalabas na sa ospital si Vice Ganda. Pero, ano nga ba talaga ang sakit niya? At bakit tatlong araw siyang na-confine sa ospital?

The post ‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice Ganda appeared first on Abante News Online.

showtime malungkot pag wala si vice ganda - ‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice Ganda
ABANTE vice ganda 1 - ‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice Ganda

abante paistaran dondon sermino 336x224 - ‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice GandaFinally ay nakalabas na sa ospital si Vice Ganda. Pero, ano nga ba talaga ang sakit niya? At bakit tatlong araw siyang na-confine sa ospital?

“Thank you very much to all the wonderful doctors, nurses and staff of The Medical City for taking good care of me for 3days. Ang babait at ang aliwalas nyo. God bless you guys! Uwian na!” sabi ni Vice.

Siyempre, sobrang nag-alala ang mga fan nila, lalo nga at hindi na siya napapanood sa It’s Showtime. At hindi biro ‘yon na ma-confine ka ng tatlong araw, di ba?

Anyway, nung unang naospital nga si Vice Ganda ay dahil sa tinanggal ang sangkatutak na ‘bato’ (gall stone) sa loob ng kanyang katawan, at may kinalaman ba ulit ‘yon ngayon?

Pansin din kasi ng mga fan, iba talaga ang Showtime kapag nandun si Vice. Oo nga, masaya rin na makitang naghu-host, biruan sina Anne Curtis at Vhong Navarro, pero ibang kasiyahan kapag nandun si Vice, lalo na kapag kaeksena na niya sina Ate Gurl at Kuya Escort.

Anak ni Mayor Isko bida agad sa ‘Maynila’

Bagay na bagay sa showbiz ang anak ni Manila Mayor Isko Moreno. Bukod sa guwapo, matangkad, mahusay magsalita, ay malakas din ang appeal ng binata, ha!

Anyway, bidang-bida nga agad si Joaquin Domagoso, at siyempre dapat may kinalaman sa Maynila, di ba?

Yes, bida na nga si JD sa episode ng Maynila na The Unwanted Son, at kaeksena agad niya si Angelu de Leon, ha!

Sige nga, tingnan natin kung gaano kahusay umarte si JD, ha!

Cinemo ng TVplus, nagpasaya sa mga tatay

Inaasahan ni Francisco Jaramillo, isang TVplus user, na may libreng gupit at masahe siya sa Post-Father’s Day event ng CineMo, pero laking gulat niya na siya pa ang mapalad na napiling nag-uwi ng bagong TV, ang grand prize na handog ng TVplus sa CineMo Araw ni Tatay.

Nakuha ni Francisco ang papremyo nang manalo ang kanyang anak sa isang palaro ng CineMo sa event.

“Hindi ko po inaasahang manalo. Ngayon, may TV na po kami,” ani Francisco. Masaya rin si Francisco sa libreng gupit at masahe dahil nakabawas daw ito sa gastos ng pamilya niya.

Isa lang si Francisco sa 140 taong napasaya ng CineMo dahil sa libreng gupit, masahe, at papremyo na ibinigay nila.

The post ‘Showtime’ malungkot ‘pag wala si Vice Ganda appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *