Showbiz personality 8 buwan na-depress

Very feisty ang i­mage ng showbiz personality na ito, pero kamakailan lang ay inamin niya sa ilang mga kaibigan na dumaan din pala siya sa depression dahil sa politika.

The post Showbiz personality 8 buwan na-depress appeared first on Abante News Online.

showbiz personality 8 buwan na depress - Showbiz personality 8 buwan na-depress
showbiz pera - Showbiz personality 8 buwan na-depress

abante anything goes jun lalin 336x224 - Showbiz personality 8 buwan na-depressVery feisty ang i­mage ng showbiz personality na ito, pero kamakailan lang ay inamin niya sa ilang mga kaibigan na dumaan din pala siya sa depression dahil sa politika.

Kuwento ni feisty showbiz personality, after niyang matalo sa kanyang kandidatura years ago, umabot rin daw sa walong buwan ang naramdaman niyang depression.

Tinamad daw siyang mag-ayos, kaya tinamad din siyang lumabas ng bahay.

Hindi raw siya nakikipag-socializing nang panahon na ‘yon.

Hindi rin masyadong nakapagtrabaho si feisty showbiz personality.

Sa lakas kasi niya during the campaign, hindi talaga niya maisip kung paano siyang natalo.

Ang pinagsisihan pa ni feisty showbiz perso-nality ay ginastos din niya sa campaign ang perang pinaghirapan niyang kitain.

Sa una kasi, wala namang balak si feisty showbiz personality na gumastos sa campaign, pero napasubo na siya, kaya naglabas na rin siya ng pera.

Sa mga kuwento ni feisty showbiz personality, feeling ko ay hinding-hindi na niya babalikan ang politika lalo na at hindi biro ‘yung walong buwan na na-depress siya at nawalan ng gana sa very colorful life pa naman niya, huh!

Beteranong aktor bawal puyatin sa taping

May cut-off na rin pala sa taping o shooting ang ve-teran actor/singer na ito na sumikat noong kabataan niya lalo na nang mapareha sa isang super sikat na aktres.

Sabi ng actress-niece ni veteran actor/singe­r, hindi na raw kaya ng kanyang uncle ang puyatan sa mga taping at shooting, kaya nag-impose na ito ng cut-off.

“Hindi kaartehan ang cut-off. Kung sa tingin mo naman, eh, hindi ko na kaya ang matin-ding puyatan, tama lang ‘yon,” sey ni actress-niece ni veteran actor/singer.

In fairness naman sa ilang TV executives, sila mismo ang nag-i-impose ng cut-off ng mga artistang kasama sa projects nila.

Regal Baby noon, Grab driver na ngayon

Ang aktor na si Emil Sandoval na mula sa kilalang Salvador clan ng showbiz ay hindi pa rin pala tumitigil sa pagga-Grab driver.

Basta walang taping sa regular series niya sa ABS-CBN, nagpa-part-time Grab driver pa rin si Emil.

Noong time na wala siyang regular TV series, kumikita si Emil dahil sa Grab.

Sumikat noong 80’s si Emil at naging isang Regal Baby ni Mother Lily Monteverde.

Pokwang nakisimpatya sa mga delivery driver

Speaking of Grab, may food delivery service na rin sila.
Kamakailan ay nag-post si Pokwang na huwag naman daw basta mag-cancel ng food order ang mga nag-a-avail ng service nila.

Sariling pera kasi ng mga Grab food delivery driver ang pinambibili nila ng mga order sa kanila at kawawa naman kung biglang ika-cancel.

Hinikayat din ni Pokwang na maging mabait sa food deli-very drivers at kung puwedeng mag-tip din.

Tinanong ko si Pokwang kung kusa ba o may partnership (endorsement) siya sa Grab food delivery kaya niya pinost ‘yon, pero kusa raw.

Naaawa raw kasi siya sa mga ito dahil sa mga kuwentong naririnig at nababasa niya sa social media kapag may mga nagka-cancel ng food orders.

Wow, ang bait ni Pokwang, huh!

The post Showbiz personality 8 buwan na-depress appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *