Showbiz nabalot ng lungkot, takot: April Boy, Anita, Ramon Sr., Jamir, atbp namaalam sa ‘Year of the Rat’

Balot ng takot, pangamba ang 2020, dahil sa COVID-19. Nabalot din ng lungkot ang showbiz dahil sa pagkawala ng mga artista angayong 2020.

The post Showbiz nabalot ng lungkot, takot: April Boy, Anita, Ramon Sr., Jamir, atbp namaalam sa ‘Year of the Rat’ first appeared on Abante.

showbiz nabalot ng lungkot takot april boy anita ramon sr jamir atbp namaalam sa year of the rat - Showbiz nabalot ng lungkot, takot: April Boy, Anita, Ramon Sr., Jamir, atbp namaalam sa ‘Year of the Rat’
abante tanaw balik - Showbiz nabalot ng lungkot, takot: April Boy, Anita, Ramon Sr., Jamir, atbp namaalam sa ‘Year of the Rat’

Balot ng takot, pangamba ang 2020, dahil sa COVID-19. Nabalot din ng lungkot ang showbiz dahil sa pagkawala ng mga artista angayong 2020.

Ngayong taon pumanaw ang mga beteranang aktres na sina Anita Linda, Mila del Sol at Lilia Dizon (ina ni Christopher de Leon).

Ipinagluksa rin ang pagkamatay ni Leila Benitez na sa ibang bansa nga namayapa.

Bagamat dulot na rin ng katandaan ang rason nang pagpanaw ng mga nabanggit, hindi naging bukas sa publiko ang lamay dahil sa Coronavirus.

Ngayong taon din namatay ang dating aktor, at dating Senador Ramon Revilla, Sr. (tatay ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla, Jr.).

Limitado at mahigpit ang pinatupad na safety protocol sa lamay ng nasabing ama ni Bong.

Magkasunod ding ipinagluksa ng showbiz ang pagpanaw ng mga ina nina Pokwang at Angeline Quinto. Hindi na dinitelye pa ang sanhi ng kanilang pagkamatay.

Samantala, kumplikasyon sa iba’t ibang sakit naman ang naging sanhi nang pagkamatay ni April Boy Regino. Nasabi niya noon na nagka-diabetis siya at nabulag.

Tahimik naman na ipinagluksa ng pamilya ang mahusay na direktor na si Peque Gallaga.

Kabilang din sa mga pumanaw ngayon ay ang komedyanteng si Kim Idol, ang mahusay na character actor na si Menggie Cobarrubias at Mulatto band lead vocalist na si Joey Bautista. Diumano ay COVID-19 ang naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Isa rin sa pumanaw ngayong taon ay si Sonny Parsons, isang singer, aktor, politiko.

Pumanaw rin ang mga sikat na YouTuber na sina Lloyd Cadena at Emman Nimedez ngayon.

Maraming taga-showbiz ang nalungkot sa pagkamatay ng Slapshock lead na si Jamir Garcia. Marami siyang naging kaibigan sa showbiz na nakasama niya sa trabaho noon.

Ngayong taon din namaalam ang iconic 70’s band lead vocalist-composer na Hotdog na si Dennis Garcia. Siya ang nagpasikat ng mga awiting “Bongga Ka Day”, “Annie Batungbakal”, “Manila”, “Ikaw ang Miss Universe ng Buhay ko” at marami pang iba.

Namatay rin ang dating 70’s matinee idol at isa sa mga anak ng Comedy King na si Dolphy na si Edgar Quizon. Pina-cremate agad si Edgar ng pamilya.

Nagluksa rin ang buong showbiz sa pagpanaw ng prodyuser, industry leader na si Marichu Vera-Perez Maceda, na kilalang matulungin, palakaibigan.

The post Showbiz nabalot ng lungkot, takot: April Boy, Anita, Ramon Sr., Jamir, atbp namaalam sa ‘Year of the Rat’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *