Show ni Willie ginamit sa scam

Ang bongga, Dondon, richer ako ng P580,000 kahapon dahil nanalo ako sa pa-contest daw ng GMA7 WOWO-WIN, huh!

show ni willie ginamit sa scam - Show ni Willie ginamit sa scam
willie 5 - Show ni Willie ginamit sa scam

Jun Lalin Anything Goes 15 336x224 - Show ni Willie ginamit sa scamAng bongga, Dondon, richer ako ng P580,000 kahapon dahil nanalo ako sa pa-contest daw ng GMA7 WOWO-WIN, huh!

‘Yan ay kung gullible ako at basta nga pumatol sa natanggap kong text message galing sa cellphone number na 09161989535 na nagsasabing:

“Ma’am/Sir. Congrat’s You are the lucky winner of’ [Php580,000] from. (GMA7 WOWO-WIN) Handog Pangkabuhayan By.MR.WILLIE REVILLAME- To Claim Pls txt ur- NAME/ADD/AGE/WORK/&Call me now Im Sec: JADE B. AYALA DTI#6642’S19.”

Hello, I’m not stupid na basta pumatol sa ganitong klase ng text message, ‘noh?!

Una, paano ako mananalo, eh, wala naman akong contest na sinasalihan?

Tinawagan ko nga ang isang staff ni Willie at ikinuwento ang tungkol doon.

‘Kaloka kasi sa text na natanggap ko talagang may hyphen ang title ng “Wowowin”, huh!

Sabi ng staff ng “Wowowin” na nakausap ko, “Sinasabihan ko nga mga kaibigan ko na nagtatanong din tungkol sa ganyang text messages na wala kaming ganyan. Na fake ‘yan. Scam!”

So, ayan, huwag maniwala sa mga ganyang text messages kung sakaling makakatanggap kayo, ‘noh?!

Anyway, kahapon ay nagsimula na ang “Wowowin” sa newly renovated studio ng afternoon variety game show ni Willie.

Bumalik na nga sa show si Sugar Mercado na isa sa mga co-host ni Willie, plus Donita Nose. At least, nakabalik siya sa “Wowowin”!

Isa rin sa mga co-host ni Willie ang kapatid nina Jeric and Jeron Teng na si Almira.

Tony Labrusca ayaw patawag na sexy actor

Masipag sa pagmo-mall show ang cast ng “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love”.

Lagare sila sa iba’t ibang mall noong Saturday at Sunday para mag-promote ng kanilang pelikula na magbubukas na sa mga sinehan bukas.

Siyempre, happy si Mother Lily na masipag sina Tony Labrusca, Jerome Ponce, Myrtle Sarroza, Jane Oineza at Albie Casiño sa pagpo-promote dahil malaking tulong ‘yon sa awareness sa pelikula para maging box-office success ito, huh!

Anyway, sa isang interview sa cast ng “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” ay nabanggit daw ni Tony na naiilang siyang matawag na sexy actor.

Hmph! Kahit pa mailang siya, hindi naman maiaalis ang katotohanang ang isa sa panonoorin sa “Ang Henerasyong Sumuko Sa Love” ay ang kanyang kaseksihan, ‘noh?!

Aktres ayaw nang makatrabaho ng negosyante

Dialogue ng isang aktres sa isang big boss ng product na ine-endorse niya, may naninira raw sa mga ito at kinukumbinsi siya na huwag mag-renew ng endorsement deal sa product na ‘yon.

Ang duda naman ng iba, sinasabi lang ‘yon ni aktres para i-renew siya ng big boss ng product na ‘yon.

“Drama” lang ni aktres na may naninira. Akala nga naman ni aktres ay matataranta ang may-ari ng product na ‘yon at iri-renew kaagad siya kahit na hindi naman pala “sumipa” sa market ang product na ine-endorse niya.

Well…

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *