Shopee nag-sorry sa mga Blink

Naging matagum­pay ang pagbabalik ng Blackpink sa Pilipinas para sa kanilang meet-and-greet na siyang dinagsa talaga ng libo-libong Pinoy na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura kamakailan.

The post Shopee nag-sorry sa mga Blink appeared first on Abante News Online.

shopee nag sorry sa mga blink - Shopee nag-sorry sa mga Blink
BLΛƆKPIИK - Shopee nag-sorry sa mga Blink

Naging matagum­pay ang pagbabalik ng Blackpink sa Pilipinas para sa kanilang meet-and-greet na siyang dinagsa talaga ng libo-libong Pinoy na ginanap sa Samsung Hall ng SM Aura kamakailan.

Dumagsa rin ang mga local celebrity na Blinks (Blackpink fans) tulad nina Anne Curtis, Awra Briguela, Andrea Brillantes, Kim Chiu at marami pang iba.

Pagkatapos naman ng magical night ng Blackpink sa Taguig, nag-post si Lisa na isa sa mga mi­yembro ng grupo ng lit­rato niya habang nasa backstage na may caption na “Masaya akong makita kayong mga blinks.”

Damang-dama naman sa comment section pa lang ang tilian ng mga fan dahil nagsalita ng Tagalog ang kanilang Korean idol na si Lisa.

Samantala, kahit na­ging masaya ang gabing iyon, inulan pa rin ng pambabatikos ang natu­rang event at nag-trend pa sa ito sa social media.

“#ShopeeScam” ang inireklamo sa Twitter ng mga fan dahil naloko umano sila ng event organizer na Shopee at umaapela.

Pinagmumura pa sa social media ng mga netizen ang naturang online shopping app sa gigil nang maubos daw ang kanilang pera dahil naniwala sila sa pa-promo nito.

Kuwento pa ng iba ay gumastos daw sila ng mahigit sa P20,000, P50,000 para sa promo na sinasabing mananalo sila ng ticket para makasama sa meet-and-greet ang Blackpink. Ang siste naman daw ay biglang kinansela ang kanilang pagkapanalo ng Blackpink ticket kahit nakagastos na nga raw sila nang malaki.

Nagpaliwanag naman ang Shopee sa pamamagitan ng Twitter at nag­labas ng statement kaugnay sa reklamo ng mga fan.

“Dear Sho­pee users and Blackpink fans.

“We would like to sincerely apologize for the issues involving Shopee x BLACKPINK meet-and-greet today in Manila.

“We hear your feedback loud and clear, and we understand that the event fell short of the high standards that Sho­pee users and Blackpink fans expected.

“Although we took immediate steps as soon as we discovered the problems to ensure the rightful winners of our contest could claim prizes, we know that the entire process caused confusion, disappointment and upset for many.

“We are reaching out to all those affected by this issue, and we are also taking steps to ensure that such incident does not occur again in the future. — Shopee team.”

Sa ngayon, ‘yan pa lamang ang luma­labas na pahayag mula sa team ng nasabing online shopping app at patuloy pa ring inaabangan ng mga user at fan kung ano pa ang mga susunod na magiging aksyon nito kaugnay sa reklamo ng mga netizen. (Athena Yap)

The post Shopee nag-sorry sa mga Blink appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *