Sheena seksing buntis

Blooming na buntis ang soon-to-be mom na si Sheena Halili. Hiyang nga siya sa pagbubuntis.

sheena seksing buntis - Sheena seksing buntis
abante sheena - Sheena seksing buntis

Blooming na buntis ang soon-to-be mom na si Sheena Halili. Hiyang nga siya sa pagbubuntis.

Sa latest Instagram post ng aktres, ipinakita niya sa kanyang mga follower ang growing baby bump habang nakasuot ng brown bikini.

“Vitamin D for mommy and baby. #20weekspregnant,” sey niya.

Bumuhos naman ang mga papuri sa comment section mula sa kanyang fan at kapwa celebrity. Isa na nga rito ang fellow Kapuso mom na si Max Collins na napa-comment ng, “Sexy mama!!”

Sa hiwalay naman na post ay ibinahagi ng asawa ni Sheena na si Jeron Manzanero ang kanilang ‘first family’ photo. Baby girl ang ipinagbubuntis ni Sheena. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *