Shawn, Camila nahuling naglalaplapan sa Miami

Nakunan na naglalaplapan sa swimming pool ang mga singer na sina Shawn Mendes at Camila Cabello.

shawn camila nahuling naglalaplapan sa miami - Shawn, Camila nahuling naglalaplapan sa Miami
Abante tnt swan - Shawn, Camila nahuling naglalaplapan sa Miami

Nakunan na naglalaplapan sa swimming pool ang mga singer na sina Shawn Mendes at Camila Cabello.

Nakunan ang unguarded moment ng dalawa habang nagbabakasyon sila sa isang resort sa Mia­mi, Florida.

Nasa kanyang tour ngayon si Shawn at nag-take time out ito nang ilang araw sa Miami. Laking gulat ng mga nasa resort nang biglang dumating doon si Camila.

Ayon sa mga nakakita sa dalawa, hindi napaghihiwalay ang dalawa at panay ang yakapan at holdin­g hands.

Pero kahit na may mga PDA (public display of affection) ang dalawa, wala pa rin silang kinukumpirma tungkol sa kanilang relasyon.

Simula noong magkaroon ng collaboration ang dalawa sa song na “Señorita”, panay na ang sighting­s ng dalawa at ang kanilang walang takot na PDAs.

Mapapanood next si Shawn sa kanyang shows sa Atlanta, Nashville and Louisville. Huwag daw magulat ang fans kung biglang um-appear si Camila kunsaan may concert si Shawn. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *