Shawie nakagugulat ang pagpayat

Isang sorpresa ang natanggap ni Sharon Cuneta nang biglang sumulpot sa Noche Buena ang pangay niyang si KC Concepcion.

The post Shawie nakagugulat ang pagpayat first appeared on Abante.

shawie nakagugulat ang pagpayat - Shawie nakagugulat ang pagpayat
shawiee - Shawie nakagugulat ang pagpayat

FINAL columnists OH Laban ka rey pumaloy 1 1 300x180 - Shawie nakagugulat ang pagpayatIsang sorpresa ang natanggap ni Sharon Cuneta nang biglang sumulpot sa Noche Buena ang panganay niyang si KC Concepcion.

Ilang mga video, photo ang in-upload ng Megastar sa Instagram na kasama nilang nag-celebrate si KC.

Kumpleto nga ang pamilya ni Sharon ngayong Pasko, hindi gaya noong 2019 na hindi nagpakita si KC sa kanya.

Marami ang natuwa sa Christmas get-together na ito ng pamilya ni Shawie.

At marami rin ang nagulat sa mga photo dahil pumayat nang husto si Sharon, at parang lumobo naman si KC. Pero, gayun pa man, napakaganda pa rin ng mag-ina sa lahat ng anggulo.

Marami nga ang na-inspire sa pagpayat ni Shawie, lalo na `yung may mga problema rin sa kanilang mga timbang. Na oo nga, may pag-asa pa silang sumeksi ulit.

Gary, Ella nabulabog sa lindol

Nabulabog ang mga celebrity sa pag-uga ng paligid, dulot ng lindol ngayong Paskong umaga.

Sabay-sabay na nag-tweet sina Gary Valenciano, Pooh, Kakai Bautista, Karen Davila, Ella Cruz, at marami pang iba sa pagyanig na naramdaman nila.

Nag-alay ng dasal si Gary V para sa kaligtasan ng lahat.

Ayon naman kay Pooh, ngayon lang niya naranasan ang matagal na lindol.

Nagising naman si Karen dahil sumayaw raw ang kanilang mga gamit sa tinutuluyang condo.

Nasa Tagaytay naman si Ella kaya ramdam niya ang malakas na pagyanig.

Rainey, De Castro sa Ireland titira

Kailan lang ay pinag-usapan namin ni Glaiza de Castro sa online show naming Abantelliling kung kailan siya pakakasal, na ang naging tugon niya ay dapat manggaling ang unang hakbang sa kanyang boyfriend na si David Rainey.

At heto na nga, sa kasagsagan ng Pasko ay ‘engaged’ na si Glaiza sa dyowa, at naganap ang engagement proposal sa Ireland.

Ibinalandra ni Glaiza ang mga larawan na nagpapakita na ‘nakatali’ na siya sa kasintahan.

Sa interview ko kay Glaiza, sinabi naman ng aktres na handa na siyang pakasal at magkaroon ng sariling pamilya.

Sa tanong kung sa Pilipinas ba siya mamalagi, kung ano raw ang mapagkasunduan nila ay `yon ang mangyayari.

Kyle, Francine 26 buwan na ang relasyon

Tahimik lang sina Kyle Echarri at Francine Diaz, pero matagal na pala ang kanilang relasyon. Ibinahagi ni Kyle sa tweet ang larawan nila ni Francine kalakip ang pagbati nito ng monthsary.

“Happy 26th Monthsary my pusong ube. Lovelots,” sabi ni Kyle.

Lumalabas na mahigit dalawang taon na ngang magdyowa ang dalawa.

Nakilala ang dalawa sa teleseryeng “Kadenang Ginto” nina Beauty Gonzales at Dimples Romana.

Samantala, napunta rin naman sa relasyon ang team-up nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin.

The post Shawie nakagugulat ang pagpayat first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *