Sharon sinorpresa si Rhea

Ngayong Sabado, ika-3 ng Agosto, matutupad ang wish ng long-time Kapuso host na si Rhea Santos na maka-duet ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

sharon sinorpresa si rhea - Sharon sinorpresa si Rhea
ABANTE sharon rhea - Sharon sinorpresa si Rhea

Ngayong Sabado, ika-3 ng Agosto, matutupad ang wish ng long-time Kapuso host na si Rhea Santos na maka-duet ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta.

Bago pa man umalis ng bansa, pababaunan ng “Wish Ko Lang!” si Rhea ng isang magandang alaala sa pamamagitan ng pagtupad ng kanyang wish na makakanta ng “Bituing Walang Ning­ning” kasama si Sharon na tiyak na ikatutuwa niya.

Samantala, isang anak na matagal nang hina­hanap ang kanyang ina ang nakatagpo ng pag-asa sa “Wish Ko Lang!” Madalas umanong nag-aaway ang mga magulang ni Rowena noon kaya’t napagdesisyunan ng kanyang nanay na lumayas na lang upang makalaya sa mapanakit niyang ama. Nang iniwan sila ng kanyang ama, pinaampon silang magkakapatid sa kanilang tiyahin na pinagmalupitan sila. Kaya naman si Rowena ay tumakas at pursigidong hinanap ang kanyang ina. Magkita kaya silang muli?

Mga kuwentong tatagos sa puso, magpapaluha, at mapapasaya ngayong Sabado sa “Wish Ko Lang!”, hosted by Vicky Morales, pagkatapos ng “Tadhana” sa GMA-7. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *