Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak

Nasundan na ng iba pang mga isyu ang pagkikita ng P.A. ni Piolo Pascual na si Moi at ni KC Concepcion sa The Farm at San Benito. Wala na rin namang follow-up kung sumunod nga ba si Piolo sa mga ito.

The post Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak first appeared on Abante.

sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak - Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak
abante sharon 2 - Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anakNasundan na ng iba pang mga isyu ang pagkikita ng P.A. ni Piolo Pascual na si Moi at ni KC Concepcion sa The Farm at San Benito. Wala na rin namang follow-up kung sumunod nga ba si Piolo sa mga ito.

Nag-react na rin ang nanay ni KC na si Sharon Cuneta sa pamamagitan ng Instagram account nito. At diretsahan niyang itinanggi ang mga naglalabasan.

Aba, ang iba na palang isyung kaugnay ng dalawa– nandiyan ngang ikakasal na raw. Preggy or buntis daw si KC at ang ama nga raw, si Piolo.

Of course, mag-ex sweethearts sina KC at Piolo na ngayon, nabubuhay na naman ang mga nagwi-wish na sana raw, silang dalawa na lang ang magkatuluyan.

Tinawanan lang ni Sharon ang isyu pero binigyang-diin niya na mahal daw niya si Piolo. So, burado na pala yung dati na halos kabi-break lang nina KC at Piolo at may mga “malisyosong isyu” na nagsi-circulate at nagkaroon ng impression na tila may parunggit si Mega sa ex ng anak.

Sa IG post kasi niya, bukod sa sinabi ni Sharon na puro kasinungalingan o fake news ang lumalabas about the two.

“So much fake news coming out…
“Lots of stuff has been coming out on several SocMed platforms about this boy, my eldest, me. All lies. I do not know what is or has been going on. No one tells me, & I don’t ask. But I’ll tell you one thing that is true. God knows I love PJ. We have become friends over the years, talked about life & work. His son Iñigo has been nothing but respectful & sweet to me. I do not & will not have a problem with Piolo at all in any area of my life or in our family. I love you, PJ. Thank you for your love, respect, & friendship. God bless you always!” sabi ni Sharon.

Jasmine kabado sa lock in taping

Ngayong unang araw September ay sinalubong ng cast at production ng Descendants of the Sun ng GMA ang pagbabalik taping. Ibig sabihin, nag-negatibo ang lahat sa cast sa naging swab test kaya tuloy na tuloy na ang 10 days lock in taping ng DOTS Ph sa Tanay, Rizal.

Nababasa namin ang ilan sa mga comment at ang dami na ngang excited kahit sa rerun muna ng serye bago ang mga fresh episodes na ite-tape nila ngayon.

Natanong din namin ang isa sa cast, si Jasmine Curtis-Smith nang mag-IG Live ito habang naghuhugas ng plato at nagpi-prepare ng mga dadahilan niyang gamit sa lock in taping nila.

Tinanong namin ito kung ano ang pakiramdam na balik taping after six months at kung wala ba itong nararamdamang kaba.

Sinagot naman ito ni Jasmine na may nararamdaman nga raw siyang kaba.

“Yes, kasi kailangang ulit balikan ang mind and thought ni Captain Moira and it’s another process of brain that back e and we make sure na hindi ko siya nawala and I can still perform the same way I did when we started taping for the Descendants of the Sun. Sana hindi mawala yun,” sabi niya.

Ini-assure naman niya ang mga fan, netizen na magiging maingat siya sa taping at siguradong magdadala raw ng sanitizers, alcohol at iba pang safety stuff.

The post Sharon pumalag sa tsismis na buntis ang anak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *