Sharon nilampaso wetpaks ni KC

Tinutukso ng mga netizen si KC Concepcion kaugnay sa sunud-sunod na pagpapa-sexy ng kanyang mommy na si Sharon Cuneta.

The post Sharon nilampaso wetpaks ni KC first appeared on Abante.

sharon nilampaso wetpaks ni kc - Sharon nilampaso wetpaks ni KC
sharon Cuneta - Sharon nilampaso wetpaks ni KC

Tinutukso ng mga netizen si KC Concepcion kaugnay sa sunud-sunod na pagpapa-sexy ng kanyang mommy na si Sharon Cuneta.

Sa bagong posting ni Sharon sa Instagram nito na naka-bikini siya, habang nakadapa sa ibabaw ng yate, ilang mga netizen ang nagsabing tinalbugan si KC ng kanyang ina sa mga daring picture nito.

Nag-comment si KC sa post ng ina at pinuri nito ang pagpapa-sexy ni Sharon.

Nabuo na ang comment thread na nakasentro kay KC at sa ina nito.

Dahil nga bagu-bago pa lang ang mga swimsuit posting ni KC sa IG niya na kuha sa Palawan, nakakuha ng anggulo ng pambubuska ang mga netizen sa una, at sinasabing kinabog ito ni Megastar sa pigura nito.

Masaya namang sumang-ayon si KC at nag-comment pa itong kuha sa alindog ng Mommy niya ang pigura niya.

Kinorek naman ni Sharon ang comment ng isang fan, dahil hindi siya pabor sa ginamit nitong salita na “chubby.”

Sibi kasi ni @kathymae_05: “chubby is the new sexy.”

“@kathymae_05, Curvy is the new sexy!” sabi naman ni Sharon.

Anyway, isa sa ipinagmamalaki ni Sharon ay ang matambok niyang puwet, na minana nga raw ni KC. At yes, nagpatambukan ng wetpaks ang mag-ina, ha!

Kayo ba, sino sa tingin niyo ang panalo sa wetpaks? Pero para nga sa marami, iba pa rin ang nauna, at si Sharon `yon, kaya wagi ang wetpaks niya kesa kay KC. (Rey Pumaloy)

The post Sharon nilampaso wetpaks ni KC first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *