Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan

Mga fan na ng Megastar na si Sharon Cuneta ngayon ang nagreregalo ng pera sa Megastar.

The post Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan first appeared on Abante.

sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan - Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan
abante sharon 4 - Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan

FINAL columnists ANSABE Rose Garcia 3 300x180 - Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fanMga fan na ng Megastar na si Sharon Cuneta ngayon ang nagreregalo ng pera sa Megastar.

Sa nakaraang birthday ni Sharon kunsaan, ipinagdiwang nito sa Amanpulo kasama ang buong pamilya, hindi karaniwang ang isang sikat at mayaman na artistang tulad ni Sharon ay makatanggap ng regalo mula sa kanyang mga fan ng ilang libong pera.

Kaya naiintindihan namin ang gulat ni Sharon habang hinahatak sa bouquet ng flowers na binigay sa kanya ng Megaberks niya as birthday gift. Hindi na nga nito natapos ang paghahatak sa tig-isang libong pera at sinilip na ang mini-bayong kung marami pa rin ba sa loob.

Paulit-ulit na tanong ni Sharon habang hinahatak ito, “What’s this Megaberks?” “What is the meaning of this?”

Napaisip din kami kung bakit pera ang binigay ng mga fans niya. Naalala tuloy namin kung ang naiisip ba ng mga ito ay yung dating revelation ni Sharon regarding sa naging isyu nito sa pera.

Pero yun pala, may bonggang dahilan bakit pera ang binigay ng mga fan. Sa rami raw nang natutulungan ni Mega kaya pera ang binigay nila para maibigay pa nito sa mga chosen charities niya or gusto pang tulungan.

For a good cause naman pala.

Alden hindi kampi sa mga mapanakit na mister

In all fairness kay Alden Richards, walang dahilan para paratangan ito ng netizens na “victim blaming.” Malaking-malaki ang kaibahan ng ibig sabihin ng victim blaming sa tulad nang ginawang pagtatanong ni Alden.

Psychologically or kahit sa mga spiritual counseling, gaano man kasama ang isang party, palaging tinitingnan ang dalawang panig.

Sa isyung tinalakay ng “Bawal Judgmental” segment ng Eat Bulaga tungkol sa physical abuse o violence ng partner, wala namang justification sa pang-aabuso ng kapwa o partner. Mali at may consequence sa ginagawang pang-aabuso.

Ang nakita namin at gayundin ng ibang netizens sa ginawang pagtatanong ni Alden ay tama lang. Kumbaga, hindi ito para itama ang mali ng nang-aabuso, hindi rin ito para sabihin na may kasalanan din naman kasi ang biktima. Sa nakikita namin, Alden was trying to see kung may nati-trigger ba sa nanakit para gawin din niya ito. Hindi rin ibig sabihin na ‘yun lang ang dahilan at hindi rin nangangahulugan na kahit ano pa ang nag-trigger rito, okay lang manakit.

Alden was and is doing the right thing. Ang ganda rin na sa pagpi-present ng kahit anong kuwento, natatalakay ang lahat ng side ng story na siyang nagagawa niya as host.

The post Sharon nagulantang sa regalong datung ng mga fan first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *