Sharon nagsisi sa sumilip na boobs

Ilang minuto lang matapos mag-post ng photo, biglang nag-delete, at nag-post ng mga linyang ‘Dinelete ko na. Huwag na. Nahiya ako. Hahahaha!’ si Sharon Cuneta.

The post Sharon nagsisi sa sumilip na boobs first appeared on Abante.

sharon nagsisi sa sumilip na boobs - Sharon nagsisi sa sumilip na boobs
sharoon - Sharon nagsisi sa sumilip na boobs

dondon sermino 15 - Sharon nagsisi sa sumilip na boobsIlang minuto lang matapos mag-post ng photo, biglang nag-delete, at nag-post ng mga linyang ‘Dinelete ko na. Huwag na. Nahiya ako. Hahahaha!’ si Sharon Cuneta.

Siyempre, lalong na-curious ang mga fan sa photo na agad nga niyang tinanggal. May iba na nag-screen grabbed agad, pero hindi naglakas loob na mag-post sa IG, bilang respeto kay Sharon.

“Waaaaaah nagsisi… Na-realize ko sumisigaw ang “future” (hinaharap…hahaha!). Ayoko nga baka sabihin ngayon pa ko nag-bold star! Sa mga nag-screenshot utang na loob please do not post! Hahaha! Tago sa baul!!!” sabi pa ni Sharon.

Pero, kahapon, nagbago ang ihip ng hangin, at bigla nga ay ipinost ulit niya ang mga larawan na `yon, na kasama pa ang dalawa niyang anak, sina Frankie at Miel.

Sa photo, nilagyan ng ‘star’ ni Sharon ang kanyang boobs. Ang swimsuit kasi na suot niya ay medyo malalim ang cut sa dibdib, kaya halos lantad na ang kanyang boobey. At `yun nga ang ikinahiya niya.

“Seems like these were forever ago… O ayan na. Kahit ‘di pa payat, pumapayat naman. Isipin niyo na lang, ito: “Maputi sya (pwera ankles to feet ko kasi yun lang nasisinagan ng araw! Hahaha!), makinis, at kahit pawisan buong maghapon magdamag kahit walang pabango mabango siya talaga!” Eh totoo naman. Hahahaha! Sabi ko nga sa unang post ko bago ko dinelete, “May bagyo naman, so gulatin ko na kayo. Tandaan nyo sabi sa Bible “Thou shalt not judge” ha! Puede matawa bawal umiyak at nega. Mega lang puede. Hahaha! Happy Monday, everyone! Thank you Jesus umalis ang bagyo!!! Salamat po safe kaming lahat!

“Seems like forever ago… Ayan na puede na i-post at natakpan na ang dapat! Hahaha! Good morning! Thanks so much, Lynn! Miss & love you!

“Here you go, curious Sharonians! No need to offer me money to see this photo, okay? Haha,” ang sunod-sunod na chika ni Shawie.

Aliw na aliw naman ang mga kapwa artista ni Megastar sa kanya. At sabi nga nila, ang cute nito, at seksi, kaya walang dapat ikahiya.

Well…

‘Bading’ na anak aprub kay Ian V.

Hindi isyu o problema kay Ian Veneracion nang alukin siyang maging ama ng isang ‘bading’. Sa sitcom ngang Oh My Dad, may anak na bading si Ian, na ginagampanan ni Adrian Lindayag, na bading sa tunay na buhay.

Sabi nga ni Ian, sa totoong buhay ay may anak siyang ‘tomboy’ at hindi naging problema `yon sa kanya. Siya pa ang nagsabi sa anak na hindi dapat mahiya, at mag-open sa lahat.

Anyway, si Ian ay si Matthew sa Oh My Dad, isang ‘basketball bad boy’ nung 90s. Sikat na MVP, may endorsements at showbiz gigs. He enjoyed a lavish lifestyle. Kasama na dito ang iba’t ibang luho at bisyo.

He’s on top of the world! But his bad reputation eventually caught up with him. At the height of his fame, na-frame up si Matthew sa isang scandal, which forced him to go to the US.

Years later, bumalik si Matthew sa Pilipinas. Still a bachelor, hoping to regain his former fame with a few ‘comeback’ offers. Sa kanyang pagbalik, may anak na maghahabol sa kanya, hindi lang isa, hindi lang dalawa, tatlo sila!

Bukod kay Adrian, gumaganap ding anak ni Ian sina Sue Ramirez at Louise Abuel. Si Dimples Romana ang leading lady ni Ian sa sitcom.

Ito ay mula sa direksiyon ni Jeffrey Jeturian, at panulat ni Alpha Habon.

Mapapanood ito sa TV5, tuwing Sabado, 5 to 6pm.

The post Sharon nagsisi sa sumilip na boobs first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *