Sharon muntik lumagapak sa Araneta stage

Pag-usapan naman natin, ­Dondon, ang second night ng ‘­Iconic’ concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid. Yes, katulad ng first noong Friday, ­sobrang successful din ng second night nila noong Saturday.

sharon muntik lumagapak sa araneta stage - Sharon muntik lumagapak sa Araneta stage
sharon 8 - Sharon muntik lumagapak sa Araneta stage

Jun Lalin Anything Goes 27 336x224 - Sharon muntik lumagapak sa Araneta stagePag-usapan naman natin, ­Dondon, ang second night ng ‘­Iconic’ concert nina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid. Yes, katulad ng first noong Friday, ­sobrang successful din ng second night nila noong Saturday.

Si Robin Padilla na ­parehong ­naging ­leading man ng ­Megastar at Asia’s Songbird, ­nanood na naman sa second night.

Ang bongga ni Robin at ang tindi ng support kina Sharon at Regine, huh!
Nakita ko rin si Senator ­Francis Pangilinan with daughter Miel and Miguel.

Si Sen. Francis nga, ­obvious na nag-worry nang muntik madulas si Sharon, kaya ­pumunta siya sa side ng stage at inalam sa entourage ng ­misis kung ano ang nangyari.

At heto nga ang talagang nangyari, ayon sa isa sa ­producers na si Nancy Yang, bale ­natapakan ng Megastar ang laylayan ng ­kanyang gown, kaya muntik siyang ­madulas, pero napaupo lang naman ang Megastar at ok naman siya at ­natuloy ang number nila ni Regine at natapos nga niya ang concert.

Siyempre, si Ogie Alcasid, nakasuporta rin kahit sa second night kasama ang anak na si Nate.

KC super blooming ang kagandahan

May kaibahan nga pala ang second night ng ‘Iconic’ sa first night nila.
Sa first night, may medley ng Regine songs na pinalitan naman ng medley ng Sharon songs, kaya sa mga hindi nakapagpigil at nag-live sa social media noong first night, may kaibahan naman sa second night.
Sa second night nga pala ay nanood na si KC Concepcion. Pinagkaguluhan nga sa Araneta Coliseum ang panganay ni Sharon.
Sa backstage nga ­after ng concert, ­sobrang daming ­nagpa-picture with KC na sobrang blooming ang beauty, huh!

Moira iyak nang iyak sa concert nina Shawie-Reg

Sa backstage nga pala ay nakita ko si Moira na naiyak habang yakap si KC.
Sabi ng handler ni Moira na si Mac, “Naiyak si Moira kasi hindi niya in-expect na kakantahin ng icons like Megastar and Songbird ang duet song nila ng December Avenue, ‘yung ‘Kung Di Rin Lang Ikaw’, then sinabi pa na favorite siya ni Sharon. Regine naman has always been her nanay-nanayan,” sey ng handler ni Moira.
Kasama rin ni Moira ba nagpunta sa backstage ang mister na si Jason Hernandez.
Ang ilan pa sa celebrities na namataan ko na nag-support kina Sharon at Regine ay sina Lorna Tolentino, Pops Fernandez, Bayani Agba­yani, Boss Vic de Rosario, Joanne Quintas, RS Francisco at iba pa na hindi ko na ma-recall dahil masyado akong na-LSS (last song syndrome) sa mga kinanta nina Sharon at Regine sa Iconic, huh!
Congrats, Sharon and Regine, ang bobongga ninyo!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *