Sharon, Jolina, John sumaludo sa driver

Emosyonal si Jolina Magdangal sa re-posting ni Sharon Cuneta ng kabayanihan ng isang Grab driver na hindi lang nanlibre ng bayad sa kanya ng pasahero kundi nagbigay pa ito ng P1K sa sakay nitong may dengue.

sharon jolina john sumaludo sa driver - Sharon, Jolina, John sumaludo sa driver
sharon x jolina x john - Sharon, Jolina, John sumaludo sa driver

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 24 336x224 - Sharon, Jolina, John sumaludo sa driverEmosyonal si Jolina Magdangal sa re-posting ni Sharon Cuneta ng kabayanihan ng isang Grab driver na hindi lang nanlibre ng bayad sa kanya ng pasahero kundi nagbigay pa ito ng P1K sa sakay nitong may dengue.

Ni-repost ni Sharon ang balita para ipangalandakan sa kanyang mga fans ang kabutihan at kabayanihan ni Ronaldo Pillarina De Guzman, ang nasabing Grab driver.

Sabi nga ni Sharon sa caption ng photo, sumasaludo siya sa ginawa ng driver at ibinibigay nito ang respeto at paghanga nito rito.

Sa comment ni Jolina, sinabi nitong naiiyak siya sa kabutihan ng puso ng driver at wish nitong marami pang gaya nito.

Dahil viral ang nasabing post mula sa Netizen FB page, ni-repost rin ito ni John Estrada sa kanyang Instagram wall.

Naloka lang si John at ang kanyang mga supporters sa isang comment na mula sa kanyang followers na nangangamusta tungkol sa kanyang kapatid.

Ang nagtatakang reply ni John sa follower, “sinong kapatid ko?”

Hindi mawari ni John kung binibiro lang siya ng nag-comment o inakala nitong kapatid niya ang Grab driver.

Tinanong rin ng mga fan ng aktor kung sino ang gustong tukuying kapatid ni John.

Hindi na nag-comment pa ulit ang netizen.

Bianca Manalo nanganak?

Dahil sa kanyang puson, napagkamalang may anak na o nanganak na si Bianca Manalo.

Nabaliw ang ilang mga follower ni Bianca sa naging comment ng isang netizen dahil sa naka-umbok nitong puson sa kanyang Instagram post.

Nagpaskil ang Kapamilya star ng larawan nito suot ang isang two piece habang nakalublob ang kalahating katawan nito sa tubig.

Nakapaibabaw sa ulo ni Bianca ang sinag ng araw kaya lumabas na parang galing sa panganganak ang beauty queen actress sa laki ng puson nito.

Comment ng follower niya (@josedantemara), “Perfect puson and pusod for a beauty queen and a mother.”

Nag-reply naman agad si Bianca at natatawa nitong itinanggi na isa na siyang ina.

(@biancamanalo), “@josedantemara, I’m not a mother po..hehehe”.

Sumakay naman ang ilan sa mga fan at nagbiro kung kailan ito nanganak sa “Ang Probinsyano”.

Buntis ang kasalukuyang character ni Bianca sa “Ang Probinsyano”. Ito na lang ang binanggit ng kanyang mga fan para ma-justify ang maling akala ng netizen na nanganak ang aktres dahil sa kanyang puson.

Ang posting ni Bianca ay para bigyang pointers ang mga fan sa kung paano mapapangalagaan at mapu-protektahan ang kanilang vibe.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *